7th page: Crush

2 0 0
                                    


Araw-araw na talaga akong niyaya ni Rose na lumabas! At araw-araw narin akong sumama sa kanya. Hindi na ako nagtataklob at parang confident narin akong lumabas. Madaldal din kasi si Rose, nagkukwento sya ng kahit ano, minsan nga napapalakas pa ang boses nya, lalo na ang tawa nya! Napapatingin tuloy ang ibang tao sa kanya pero wala naman syang pake!  Ako na nga minsan ang nahihiya!

Pero eto talaga ang pinaka-nakaka-intriga sa mga araw na lumipas. Kaya nga nag-sulat ako ngayon! Natatawa ako kasi, sa ibang tao lang nagkakaroon ng kulay ang journal na 'to! Boring kasi ako haha!

So.. Naglaro ulit sila ng Volleyball. Syempre ako nanunuod lang, si Rose sumali, nandoon din si Arjie na name nung lalaking feeling ko crush ni Rose. Nandoon din si Ate Jane. Mga bandang hapon natapos ang laro. Napansin ko na si Arjie, palapit lapit sa ate ko! Sakto may dumating na babae na feeling ko mama nung bagong lipat, galing atang palengke kasama nung kapitbahay namin. Feeling ko, step-father nya yun. Assuming lang ako. Nauna nang umuwi si Kuya Joey, name nung kapitbahay namin tapos yung mama ni Arjie, pumunta sa kanila at tinawag sya. Syempre yung ate ko, friendly! Kaya nya makipag-usap kahit sa mga matatanda! Habang kausap nga ni Ate yung mama ni Arjie at nagbibiruan, si Arjie nakangiti habang titig na titig sa ate ko! Maya-maya nga kinuha ng mama ni Arjie ang cellphone kay Arjie na feeling ko pinatago lang sa kanya. Maya-maya pa may sinabi ang mama ni Arjie..

Mama ni Arjie: May gusto yan si Arjie sayo (nakangiti na parang nang-aasar)

Ate Jane: Heh! Wala! (patawa-tawa pa sya)

Arjie: Si mama oh! Wala! (pero nakangiti sya saka binalik ang cellphone)

Pagkatapos, umalis na yung mama ni Arjie at nag-usap usap na ulit ang lahat tapos napatingin ako kay Rose bigla. Napansin ko na parang ang lungkot nya! Tas bigla nya akong kinausap.

Rose: Ayoko nang tumambay, uuwi na muna ako. (No energy)

Ako: bakit?

Rose: Wala lang. May gagawin pa kasi ako. Baka paigibin ako ni mama ng tubig. (Wala kasi silang tap water. Nag-iigib lang sila)

Ako: Sige.. Tinatamad narin naman ako

Pagkatapos non sabay na kami umuwi. Omg, confirm na talaga. Meron talaga syang crush kay Arjie!

One time in summerWhere stories live. Discover now