8th page: Aamin

4 0 0
                                    

Ngayon nalang ulit ako nakapag-sulat! Tinatamad kasi ako! Pero may nangyari ulit nung mga nakaraan.

Madalas ng tumambay si Rose sa labas ng bahay namin kaya kami nakakapagkwentuhan. Madalas din kaming tumambay doon sa basketbalan. Nung natapos ang araw kung saan nangyari yung nakaka-intriga, parang balik normal lang naman si Rose. Hindi na sya malungkot or what. Basta!

Kanina nga nagkaroon na ko ng chance na tanungin sya dahil nasa labas kami ng bahay, nakatambay.

Ako: May tanong ako

Rose: Ano yun?

Ako: Bakit pag niyaya mo ko, bakit laging sa basketbalan? Mahilig kabang manuod non, o may pinapanuod ka?

Rose: (nag-isip, ngumiti) May crush kasi ako dito

Ako: (medyo nagulat) Sino?

Rose: Wait! Sino munang crush mo dito?

Ako: (napakunot ang nuo.. nag-isip) Ahh.. si Ron

Rose: (nagulat) Si Ron?! Heh! Bakit yun? Ang pangit non! Bakit mo yun naging crush? Ang weird ng taste mo!

Ako: Eh kasi.. (nag-isip) Kulot kasi yung buhok nya. Wala lang, nagagandahan lang ako. Ikaw sinong crush mo?

Rose: (nag-isip, may panguso-nguso pa)

Ako: (hinulaan ko na kahit di nya pa sinasabi) Yung bagong lipat, ano?

Rose: (nagulat, natawa,) Hala! jabsisndkskansjsjsns (di ko na masulat kasi ang dami nya pang paligoy-ligoy! Tapos parang may pagkamalandi narin yung tono ng boses nya na ewan!) Oo..

Ako: Bakit mo sya nagustuhan? Ang daming nagkaka-crush sa kanyang babae at mga bata, ano bang meron don? Sino ba yun?

Rose: Wala lang! Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nagka-crush sa kanya eh!

Ako: (natawa) Baka may gayuma na yon!

Rose: (tumawa) Gagi! Wala! Mabait lang talaga!

Ako: Ahhh.. kaya ka pala nagka-crush sa kanya (napangiti)

Don na natapos ang usapan namin. Sa wakas umamin narin sya! Mukha naman syang masaya! At..

PS: Si Ron ay medyo crush ko lang naman kasi trip ko ata yung kulot na buhok nya tapos tropa yun ng kuya ko, magaling mag-basketball! Mas matanda din yun sakin! Wala lang! Hindi naman sobrang big deal sakin nito kaya dedma nalang kung malaman ni Rose.

Ps. Naisipan kong tulungan si Rose. Ipu-push ko sya kay Arjie.

One time in summerWhere stories live. Discover now