4th page: Volleyball

2 0 0
                                    

Ilang araw na simula ng yayain ako ni Rose lumabas ngayon nalang ulit ako nagsulat. Minsan kasi humihindi ako kasi hindi talaga ako sanay.  Pero ngayong araw niyaya nya akong maligo sa ulan. Umuoo ako kasi gusto ko ring maligo sa ulan at matagal tagal narin nung huling ligo ko sa ulan, bata pa ako non, ngayon 17 years old na ako! At dahil weirdo ako, nag-jacket pa talaga ako kaya pinagtatawanan tuloy ako ng mga kapitbahay naming naligo rin sa ulan.

Sabi ni Rose " Si Jelly nag-jacket!"

Tas sabi pa nung iba "nag-jacket umuulan? Ano yun?"

Eh pano? Wala akong choice eh! Malamig din kaya nag-jacket ako!

Napansin ko rin pala, kasama rin pala ate kong maligo sa ulan?!

Medyo tumila na nga ang ulan non kaya nag-aya na silang maglaro ng volleyball! Hindi panaman ako marunong sa Volleyball, na-trauma na kasi ako sa sipang bola dahil natamaan ako sa mukha nung bata ako. Si Rose sasali at ako manunuod lang. Noong maglaro ang lahat, napansin ko si Ate na magaling pala sya mag-volleyball? At noong tumagal na ang laro biglang tinawag ni Ate yung isang lalaki na hindi ko kilala, pero feeling ko, kilala na sya nang lahat pwera sakin.

Bigla kong napansin si Rose na todo ang ngiti nung dumating yung lalaki at pumesto sa harapan nya.

At dahil sa lalaking dumating kailangan ng isa pang player at lahat sila tumingin sakin! Kinabahan talaga non! Ayoko talagang sumali! Bigla nalang nila akong pinipilit lalo na si Rose kaya wala na kong nagawa! Nakakainis! Sinabi ko nalang na don nalang ako sa likod, dahil di ako marunong mag-volleyball.

Nag-uumpisa na ang laro. Ang masasabi ko lang, iba ang feeling pag manunuod kalang sa maglalaro talaga. Sobrang gagaling nila! Takot na takot ako pag sakin napupunta ang bola! Nagagalit na nga kakampi ko sakin dahil di ko masalo ang bola at napupunta kung saan-saan! At nang tumira na ang lalaki bigla nalang itong tumama sa mukha ko ng di ko namalayan! Natulala nalang ako sa sakit! Sobrang sakit!  Nagulat ang lahat non, at ang iba ay natawa pa, kasama si Rose! Tawang- tawa sya habang tinatanong nya ko kung okay lang ba ko? Sa sobrang sakit napatingin ako sa nakatama ng bola sakin. Nakita kong nakatulala ang lalaki at mukhang di nya alam ang gagawin. Bigla ko nalang nasabi na..

Ako: Di ka ba magso-sorry sakin?! (Kumikibot pa ang labi ko habang sinasabi yan!)

Lalaki: (Napakamot habang nakaiwas ang tingin saka tumingin sakin) Sorry.. Di ko naman sinasadya.

Ako: O-okay lang (naiiyak na pero pinipigilan.)

Pagkatapos nung nangyari sa sobrang sakit ng mukha ko, lalo na yung ilong ko, sinabihan ko nalang si Rose na uuwi na ko. Naiiyak nga ako habang tinitingnan ang mukha ko sa salamin ngayon! Namumula!

One time in summerWhere stories live. Discover now