Simula

7 1 0
                                    

"Saan ka na ba?"

Iyon agad ang bungad sa akin ng aking ina nang sagutin ko ang tawag nito sa telepono. Napabuntong-hininga na lamang ako nang marinig ko ang pagkaabala ng tono boses nito mula sa kabilang linya.

Rinig ko pang sumisigaw ito at halatang nagmamadali habang may kausap sa kabilang linya. Kung hindi ako nagkamali, pinagkakaabalahan n'ya ang paghahanda sa pagbabalik ko. She's been telling me that she wanted a party. A welcome part.

"I'm still in France, Ma. Nag-iimpake pa nga ako sa mga gamit ko." A soft chuckle slipped from my lips.

"Oh? Still?"

Tila hindi makapaniwala nitong tanong na ikinahalakhak ko.

"Ma, what are you even expecting? Masyado ka naman atang excited sa pag-uwi ko," pabiro kong saad habang inaayos ang aking mga gamit sa loob ng aking maleta.

"How could I not? I barely see you. You barely step foot in the Philippines. Parang kinalimutan mo na kung saan ka ipinanganak."

I couldn't help but roll my eyes at her remark, pero saglit akong napatigil at napaisip sa sinabi nito.

I felt slightly guilty. There's a hint of truth in her words. I barely step foot in the Philippines. I was 18 years old when I left my home country, ngayong 24 na ako tiyaka pa ako babalik roon, it's not even for good. I just want to get away from stress and unwind.

I studied in France during my college days, dito na rin ako nag-trabaho bilang Interior Designer. I've become the interior designer of numerous big names across Europe. It was fun. The job is fun. But I couldn't ignore the feeling of missing something in my life, pero hindi ko nga lang alam kung ano iyon. Sa pagkakaalam ko lang, I need my inner peace.

"I'm so excited of your return, hija!"

Napangisi ako nang marinig ko ang pagkasabik sa tono ng boses ng aking ina. Mahina akong natawa at napailing na lamang.

"So am I!" Sabat ko naman na ikinatawa nito.

"I've been preparing for this. And your welcome party, oh, I made sure it was extravagant. We wouldn't want it to be just a simple party, won't we?"

Napakunot na lamang ang aking noo at bahagya pa akong napabuga ng hangin. Naupo ako sa aking kama katabi ang aking malaking maleta. "Ma, I don't think a party is even necessary," bigkas ko with amixture of uncertainty. Alam ko talagang hindi kailangan ang party, pero ayaw ko rin naman na ma sayang ang ginawang paghahanda nila sa pagdating ko.

They've been preparing for it in a long time now simula pa siguro no'ng araw na sinabi ko sa aking ina na uuwi ako ng Pilipinas para magpahinga sa trabaho.

"A party is necessary!" She exclaimed from the other line. "Ilang taon kang hindi umuwi ng Pilipinas. I think you deserve it. Hindi lang iyon, umalis ka ng Pilipinas when you were just eighteen. Wala ka pang trabaho no'n at nag-aaral ka pa lang. Don't you think you deserve it? You're coming home after making a name for yourself. Successful ka na!"

Bakas ang pagkagalak sa boses nito na ikinagaan ng pakiramdam ko. She's been my biggest supporter ever since I was a child. She is right! I think I do deserve it.

"Tama ka! Deserve ko nga 'yan." Tumawa na lamang ako ng mahina at napiling-iling na lamang.

"Ano'ng oras ba 'yang flight mo?"

"Mamayang hapon pa ang flight ko papunta d'yan sa Pilipinas. Bukas ng gabi pa naman ang party, di ba? I'll just stay in a hotel to rest before heading home nang hindi na ako mahihirapan pa."

She hummed. Alam kong naiintindiha na n'ya ako.

"Naku, hija, excited na kami ng daddy mo!" Halata naman talaga sa tono ng boses nito ang pagkasabik. Hindi maipagkaila na talagang hinihintay nila ang araw na ito.

Indecent GetawayWhere stories live. Discover now