Chapter 1

7 1 0
                                    

Umabot ng mahigit labing-anim na oras ang biyahe ko mula France hanggang Pilipinas. Nang dumating ako ay dumeretso na ako sa hotel para magpahinga kahit ilang oras lang naman ang pahinga ko dahil maya-maya lang ay sasakay na naman ako ng taxi patungo sa bahay.

It was honestly very exhausting all the travel and stuff. Masyadong nakakapagod at sobrang init pa ng panahon. I would've put a sunscreen on if I know Philippines would be this hot.

Mainit naman no'ng umalis ako ng Pilipinas when I was just eighteen years old, but I wasn't expecting that it would be this hot. I feel like I was grilled or placed inside an over or something, but at least I'm safe for goodness sake.

Madalas ring napatawag ang aking ina, tinatanong ako kung nasaan na raw ako. Alam na nilang nandito na ako sa Pilipinas. Pinaalam ko kaagad sa kanila nang tumuntong ako sa NAIA kamakailan lang. Hindi na ako nag-abala pang magpasundo sa kanila dahil alam kong busy ang mga iyon sa paghahanda sa party mamayang gabi.

Saglit akong natulog sa hotel. Eksakto ring pagkagat ng alas kuwatro ng hapon ay sumakay ako ng taxi patungo sa bahay.

Agaran kong ipinaalam sa aking mga magulang na paparating na ako sa bahay kaya nung huminto ang taxi na sinasakyan ko sa Villa Recalde, sumalubong agad sa akin ang pigura ng aking mga magulang na nakatayo't nag-aantay sa labas ng bahay kasama naman ang iilan sa mga kasambahay.

Bumaba ako ng taxi, tinulungan pa ako ng drayber na maibaba ang aking mga gamit. Agad ko itong binayaran saka rin naman ito umalis.

Rinig ko agad ang pagtawag sa aking pangalan nang makalabas ako ng taxi.

"AIVEE!"

Agad akong napalingon sa pinaggalingan ng boses na iyon, saka gumuhit ang malawak na ngiti sa aking mga labi nang makita ko silang nananakbo patungo sa aking gawi. May hawak pang tarpaulin na may nakasulat na 'Welcome home, Aivee' na may picture ko pa sa gilid ang dalawang kasambahay habang 'yung iba nama'y dala-dala ang mga balloons.

"Welcome back po, Ms. Aivee!" Sabay-sabay na bati ng mga kasambahay sa akin nang mauna silang huminto sa aking harapan.

Ngumiti naman ako. "Thank you!" Nabaling rin ang aking paningin sa aking mga magulang.

"Mommy, daddy!"

Mahina na lamang akong natawa sa kanila. I immediately opened my arms wide, gesturing for them to give me a hug which they immediately did.

My parents hugged me tightly at ganoon rin ang ginawa ko. I could feel their excitement erupting when they hold onto me as if they're afraid that I'd slip away.

"I missed you!" Usal ko habang kayakap silang dalawa sabay hagod sa likod ng mga ito. Hindi ko lubusang maipaliwanag kung gaano ako ka sabik at kasaya ngayong muli kong nahawakan ang aking mga magulang. I feel like my emotions are bursting.

"We missed you too, hija," my father spoke with gentleness as he gave me a peck on the crown of my head before pulling away habang 'yung ina ko naman ay patuloy pa rin akong niyayakap, cradling me.

"I missed you. I missed you so much!" Usal ng aking ina saka ito kumawala sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa habang nakaawang ang labi nito.

Napailing-iling pa ito na ani mo'y hindi makapaniwala sa kanyang nakita. A sigh left her mouth.

"Ang laki-laki mo na. I can't believe you're my daughter. Ang ganda-ganda mo, hija! Mas lalo ka atang gumanda ngayong malaki ka na." Hinawakan n'ya ang aking mukha at tinitigan ako ng maigi. "Ang ganda-ganda mo, anak. Look at you, all grown up." Bakas ang pagkasabil sa tono ng boses nito na ikinatawa ko ng mahina.

"Mama naman, akala mo 'di nagkita sa video call," mahina kong usal na ikinailing naman nito.

"Iba naman ang video call sa personal. I can't see your beauty clearly from the screen, while in person, I can... This is what I'm talking about. You're so beautiful! Ang laki na ng pinagbago mo, anak!"

Indecent GetawayWhere stories live. Discover now