I

175 9 0
                                    

Kabanata I- Province

Time had passed like a snap of hand.

Hindi na din namin napag-usapan ang nangyari sa bahay ilang araw na ang nakararaan, at ngayon ay nandito naman kami ngayon sa mansion ng abuelo sa probinsya.

Na ikinatuwa ko kahit papaano. I actually missed the fresh air in the province kaya.

Sabado nang ipinatawag kaming magpi-pinsan rito ng abuelo sa Castan, lungsod sa probinsya ng
Villa Castañias na pinamumunuan niya bilang isang gobernador. Noon paman ay balak na din kasi talaga namin na magpi-pinsan na dito na magbakasyon sa probinsya. 'Yon nga lang ay hindi matuloy-tuloy ang mga plano namin dahil kung hindi kulang ay kadalasan halos lahat sa amin ay may kanya-kanya ng buhay and living independently sa labas ng bansa dahilan upang hindi talaga tumugma ang mga schedules namin.

Kaya ng magtugma-tugma ang mga schedules namin noong ipinatawag kami ng abuelo sa probinsya ay hindi na kami nagdalawang isip na magsi-uwian dito na talagang magandang desisyon dahil summer ngayon at alam kong hinahana-hanap padin namin ang lamig ng tubig at magagandang tanawin dito sa probinsyang kinagisnan namin
kahit pa ilang dagat at springs pa
ang nabisita namin sa iba't-ibang bansa.


I woke up from my thoughts after I heard voices, bickering at each other, near us that made me smile a little.

Itinuon ko doon ang tingin at hindi nga ako nagkamali na nag-aaway na naman sila. Hay, hanggang ngayon pala ay wala pa rin talaga silang pagbabago.


"Just shut up, ate. Ang ingay-ingay mo, kanina ka pa, ah. Nakaka-inis ka na!" Inis na sikmat ni Phyton kay Iyeilla habang nagpapaypay ng inihaw.

Pinameywangan naman sya ng babae pero hindi na nya ito binalingan ng tingin, mas nilakasan ang pag-papaypay sa inihaw, dahilan upang bumulusok ang usok sa
mukha ng ate nya nakatayo sa
gilid ng barbeque grill.

"Phyton! My eyes, what the hell is wrong with you?!" Tili nito at inabot ang buhok ng kapatid tsaka pabalyang hinila.

Most of my cousins are here in the pool area located at the back yard of abuelo's house.

I closed my eyes as I feel the breeze of the hot summer air, dumampi sa balat ko ang sikat ng araw. Ah, how I miss this.

Maingay ang buong pool side. From the splash of water on the pool, to loud voices and laughs of my cousins talking with each other and the soft yet loud opm song playing in the background by the speaker, is all you can hear in the pool area.

I remove my gaze from the swimming pool and return it to again to Iyeilla and Phyton, who's still arguing until now. Pero may kasama ng sakitan dahil kanina pa sila nagpapalitan ng hampas sa isa't-isa, habang ang
bunso naman nila ay nakatanaw lang sa kanila walang ekspresyon, nakaupo sa gilid, habang kumakain ng grilled marshmallow.

Naiiling at walang pag-asa ko silang tinignan ng makitang dumakot si Phyton ng uling habang nakatalikod ang ate nya at ng humarap ito sa kanya ay mabilis na ipinahid nya sa buong mukha nito ang palad nyang nangingitim sa uling. Hindi ko napigilan ang tawa ko pati narin ng iba pa naming pinsan na nanonood sa kanila kanina pa, ng makita ang mukha ni Iyeilla na nangingitim na ngayon dahil sa uling, matapos syang pahidan ni Phyton nito sa buong mukha.

Bumalanghit ng malakas na tawa si Phyton at ng bunso nilang kapatid ng humarap sa kanila si Iyeilla na galit na galit na ngayon at mabilis na hinabol si Phyton na namumula na sa kakatawa.

The Raging Fire of Yesterday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon