XIX

78 1 2
                                    

Kabanata XIX- Revelation

Trigger Warning: Mention of abuse and sexual harassment.

Reader's discretion is advised.

(Continuation...)


When we were young, adults assume we know nothing. Na lahat ng sinasabi at ginagawa nila sa atin akala nila hindi natin maiintindihan...doon sila nagkakamali. Dahil hanggang sa paglaki natin ay dala-dala natin
ang mga ala-alang ginawa nila sa atin...ang mga salitang sinasabi nila na para sa kanila ay mga salita lang ngunit ang mga salitang iyon ang nagtulak sa atin at tumatak sa atin hanggang sa ating patanda.

"Niamh...kumain ka na muna, oh. Kahapon ka pa hindi kumakain ng maayos," malumay na pagsusumamo ni ate Earealah sa akin habang nandito sya sa kwarto ko.

Hindi ako kumibo at nanatiling tulala sa harapan ng malaking glass window sa harapan ko, naroon ako naka-upo kanina pa, tinatanaw ang mga taong labas masok sa garden kung saan naroon nakahimlay ang labi ng abuela ko.

I her sigh deeply beside me. Narinig ko pang inilapag nya malapit sa akin ang tray na may lamang pagkain pero hindi parin ako kumikibo.

"Ilang araw na lang ililibing na si abuela. Ayaw mo parin bang bumaba doon? Pwede kitang samahan kung hindi ka kumportableng pumunta roon mag-isa..." She offered.

I remained silent, pero nagpatuloy padin sya sa pagsasalita.

"Niamh, alam kong hindi mo parin tanggap ang nangyari sa pamilya natin at alam ko ring sinisisi mo ang sarili mo. But always remember na nandito lang kami ni Kuya Ershad, ah?" She said as she slowly touched my hands that is placed on my lap.

I heared her sniffed but I remained emotionless and didn't utter a word.

"Alam kong nahihirapan ka sa mga nangyayari ngayon sa pamilya natin but please stay strong. M-Magsalita ka naman, kahit isang beses lang... Miss na miss ka na ni ate, ayaw mo na ba sa akin?" Napalunok ako pero hindi parin nagsalita kahit narinig ko ng umiiyak na si ate sa tabi ko.

Pinisil nya ang kamay ko at maya-maya pa ay niyakap nya ako
but I didn't return it and remained motionless. She softly tapped my back and kissed my temple, marahan nya akong binitawan sa yakap nya bago walang lingong tinalikuran ako at lumabas na ng kwarto ko.

I hope she's not mad at me, even Aki, my cousin, the one I am closed with
sa mga pinsan ko. Kahapon kasi ay pumunta din sya dito sa kwarto pero katulad lang din ng mga nagdaang pumunta sa kwarto ko ay wala silang nakuhang salita mula sa akin at umiiyak lang silang lumalabas sa
silid ko.

Lumipas ang ilang oras kong pamamalagi doon sa kina-uupuan
ko ay nagpasya akong galawin ang pagkain na inihatid ni ate dito sa kwarto ko. Sya din naman kasi ang palaging naghahatid ng mga pagkain ko dito sa kwarto at sinusubukan parin akong kausapin kahit na wala syang nakukuhang sagot mula sa akin.

Katulad nang nagdaang araw ay tatlong kutsarang kanin na may ulam lang talaga ang nakakaya kong kainin,
kahit pilitin kong kumain ng higit pa sa tatlong kutsara ay sinusuka ko lang ito.

After I put down my utensils and drank the fresh mango juice ay narinig kong may pumihit ng pintuan ng kwarto ko mula sa labas,
binuksan yata gamit ang spare key, kaya inilapag ko ang baso na nangalahati na at naglakad na patungo sa kama ko.

Naka-ugalian na ng mga bumibisita sa akin na hindi ko talaga sila pinagbubuksan ng pinto dahil palagi itong naka-lock kaya sila na mismo ang nagdadala o nanghihiram ng susi para maka-pasok sa kwarto ko.

The Raging Fire of Yesterday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon