XIII

47 2 0
                                    

Kabanata XIII- Reject

Hatak-hatak parin ako ni Czeslaw kahit nakalayo na kami doon sa kinaroroonan namin kanina. Akmang hahatakin na naman nya ako patungo doon sa building nila ay doon na ako natauhan at agad na binawi ang palad kong hawak nya.

Ibinaling nya sa akin ang tingin at huminto ng tuluyan ko ng nabawi ang kamay kong hawak nya.

"What's wrong?" Kunot noong tanong nya.

I sarcastically laugh at him tsaka sya pinagtaasan ng kilay.

"What the hell is that?! What courting are you talking about? Bakit mo ako dinadamay sa kagaguhan mo at away nyo ng girlfriend mo, ha?!" Dinuro ko sya at inis na inirapan sya ng nakuha pa nyang tawanan ako.

"It's ex-girlfriend actually, tapos na kami, Niamh. She cheated on me, kaya tinapos ko na, matagal na 'yon. Why, are you jealous?"

Lumukot ang mukha ko at umatras ng sinubukan nyang hawakan ako sa braso.

"Anong pakealam ko sa buhay mo?" Sikmat ko rito bago sya malamig na tinignan, "Atsaka pwede ba, tigilan mo ako? Anong jealous pinagsasabi mo? Wala namang tayo o namamagitan sa atin kaya papaanong magseselos ako? Nagpatatawa ka ba?" Magkasunod na tanong ko, inis na.

He was about to answer me when I continued.

"Tsaka, why are you being like this. Pinagti-tripan mo ba ako? Kasi kung oo, hindi na ako natutuwa. Kaya tigilan mo ako," Matigas na saad ko sa kanya habang seryosong nakatingin sa kanya.

"Niamh, what are you talking about? Could you enlig——"

"If you're doing this to annoy me or something, then sorry to tell you but I don't want to have a connection with you." Ani ko at tinalikuran sya, lumakad papalayo.

"Niamh—" he said at hinila ang braso ko na ikina-init ng ulo ko.

Hinarap ko sya at mabilis na hinablot ang braso sa hawak nya, galit syang tinignan.

"Pwede ba?! Kung ikaw natutuwa ka sa kung ano mang pinaplano mo, ako hindi. Pwede ba tigilan mo na ako? Ayokong magka-koneksyon sa'yo, lalo na at pati ex-girlfriend mo, nakiki-gulo na sa buhay ko!" Sigaw ko sa kanya na ikinatahimik nya at seryoso na akong tinignan ngayon.

"Just please, Czes. Stop bothering me, hindi ako nag-aral dito para bigla-bigla nalang hinihilahan ng buhok at mas lalong hindi ako nag-aral dito para bigyan ng kahihiyan ang lolo ko't apelyido namin. Leave me alone," Seryosong ani ko at tinitigan sya sa mata.

I saw him gulped and nodded, "Do you really want this? Gusto mo ba talagang hayaan kita?" Nanghihinang tanong nya.

I nodded, "Why not? Kasi sa pagkaka-alam ko hindi mo ako gusto. Kasi sa totoo lang, what really your intentions are o kung ano mang plano mo, it's kind of creepy and...fishy."

"I like you! Hindi mo lang ba naramdaman 'yon? Lahat ng ginawa ko, kulang pa ba 'yon para maramdaman mong gusto kita? Niamh, hindi ko alam kung anong ibig mong sabihing plano o ano," he sighed, totally frustrated, "Niamh, please believe me...gusto kita, I like you so damn much that I am willing to do everything even accepting your burning wrath for liking you..." He said and stared at me with so much emotions traced dancing on his eyes.

I scoffed as I rolled my eyes at him.

"Czeslaw, pwede ba huwag ako? Hindi mo ako madadala dyan sa mga ganyan-ganyan mo." I sighed heavily, "You're really something you know, kaka-kilala lang natin tapos like mo na agad ako? Tapos ano next, love mo na ako?" Natatawang ani ko na ikinakunot ng noo nya.

The Raging Fire of Yesterday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon