Chapter 1

4 2 0
                                    

NAPATINGIN AKO sa aking paa na nababasa ng tubig at hinawakan ang aking dibdib saka huminga ng malalim. I can still feel the pain of losing him. That scary memory lingers in my mind, almost every day, yet it was the most beautiful thing that ever happened to me. A faint smile appeared on my lips while remembering how handsome he was. How his eyes met mine, his warmth, and his radiant smile when he first saw me.

Muling bumagsak ang alon sa dalampasigan kaya nabalik sa kasalukuyan ang aking isipan. Pinili kong manirahan sa Severia at kahit isang beses ay hindi ako umalis. My family often visit me, especially Vaine. Masyado silang nag-aalala sa akin, na baka may gawin akong hindi maganda dahil sa kalungkutan na unti-unting pumapatay sa akin. Subali't siniguro ko sa kanila na ayos lang ako. Wala akong gagawin sapagkat nangako ako kay Hylos na muli kaming magkikita. I've been waiting for him and I will never get tired of it.

Sa loob nang dalawang taong na paninirahan ko sa Severia ay iilang sirena na ang aking nakita at nakilala. Kasama na ang kapatid ni Hylos na si Ameraa. Naging malapit kami sa isa't isa ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam ang tunay kong katauhan. She knows me as Amarinth, the vampire who lost her memory because of severe heartbreak, I know it is lame but that was the first thing that crossed my mind when I met her. Nalaman ko kasi na galit sila sa babaeng hinihintay ni Hylos na walang iba kundi ako.

She didn't tell me the reason why they hate Hylos' soul mate, all I know is they are blaming her for his death, which is somehow true. He died because of me. So they have all the right to blame me.

"Amarinth! Hey!"

Napatingin ako sa dalampasigan nang marinig ang malambing na boses ni Ameraa. She was waving her hand at me. Halos mapunit ang kanyang mapulang labi dahil sa lapad ng kanyang ngiti. Basa ang buhok niyang kulay ginto at ang kanyang balat at buntot ay kumikinang dahil natatamaan ng sinag ng araw.

Naglakad ako palapit sa kanya saka walang pag-aalinlangan na naupo sa buhangin, sa tapat niya. Hindi alintana kahit na tuluyan akong mabasa ng tubig dagat.

"Bakit dito ka nanaman? Baka parusahan ka ni Prinsesa Hera kapag nalaman niyang nakipagkita ka sa akin." Ang tinutukoy ko ay ang kanyang ina. Her mother hates me, maybe because she knows who really I am.

"Hayaan mo na siya. Nais ko lamang magliwaliw kaya ako narito. Naalala kasi kita, batid ko na malungkot ka lalo pa't ikaw lang ang mag-isang naninirahan sa kweba."

Natatawang ginulo ko ang kanyang buhok. Ameraa is sweet and innocent, but I can feel that she is dangerous. Hindi lingid sa kaalaman ko na siya ang nagkokontrol sa asul na apoy. Iyon ang apoy na siyang pinagmumulan nila ng enerhiya. Ang tanging apoy na makikita sa kailaliman ng dagat.

"Hindi ako malungkot. Ano iyang dala mo?" tanong ko nang mapansin ang kabibe na hawak niya.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang panlalaki ng kanyang mga mata at ang pagiging aligaga niya.

"Ah! Ito? Wala, ano lang 'to, palamuti para sa aking silid. Nakuha ko habang naglalakbay ako papunta sayo."

Batid kong nagsisinungaling siya pero wala akong karapatan na alamin ang dahilan kung bakit. Sasagot sana ako nang maramdaman ko ang papalapit na presensya ni Vaine. Napatayo ako saka binalingan ng tingin si Ameraa.

"Umalis ka na, Ameraa. Dalian mo!" Agad na tumalima siya sa aking utos. Sa loob lamang ng ilang segundo ay nawala na si Ameraa sa aking paningin.

Hindi dapat na magtagpo ang landas nilang dalawa. Vaine is overprotective and he hates mermaids. Dahil ayon sa kanya ay mapanlinlang ang mga ito. He nearly kill one of them when he first found me unconscious in the shore after Hylos' death.

Bago pa man niya ako abutan sa dalampasigan ay mabilis na tumakbo ako sa loob ng kweba at nagpalit ng damit dahil basa ang aking suot. After changing my clothes I sat on the wooden chair and started to comb my long ash blonde hair.

The Secret of AmarinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon