Chapter 2

6 2 0
                                    

NANLAKI ANG mata ni Ameraa nang makita ang kulay pula na dagat dahil sa mga dugo, maging ang lupa ay ganoon din. Bakas pa ang nangyaring labanan kahapon at mula sa aking kinatatayuan ay kapansin-pansin ang kalunos-lunos na sitwasyon ng bayang Seravia. Napakahawak si Ameraa sa laylayan ng suot kong damit kaya naman binaling ko sa kanya ang aking tingin.

"Sa tingin mo ba'y maaayos pa ang dagat?" tanong niya, kitang-kita ang lumbay sa kanyang inosenteng mukha. Yumuko ako para abutin ang magkabila kong tuhod bago maupo nang sa gayon ay magpantay ang aming mukha. I cupped her cheeks and gave her a reassuring smile.

"Oo naman, maaayos pa ang inyong tahanan maging ang tahanan ko. Pansamantala lang ang gulong ito. Kapag may pumalit na sa pwesto ng Moon Goddess ay babalik ang balanse ng ating daigdig."

"Kung narito lang sana ang kapatid kong si Hylos ay tiyak na hindi magugulo ang aming kaharian. He is the one making strong barriers and shield to protect us."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang pangalan ng aking mate. I suddenly missed him, and then I felt the familiar pain in my chest again, making my world gray.

"Amarinth? Ayos ka lang ba? Bakit ka lumuluha?" nag-aalalang tanong ni Ameraa. Agad na pinahid ko ang aking pisngi saka tumikhim upang hindi manginig ang aking boses.

"May naalala lang ako. Halika, pumasok ka na sa kweba. Hindi pa rin ligtas ang paligid kaya manatili ka muna sa loob, habang ako naman ay maghahanap ng ating makakain sa loob ng isang linggo." Binuhat ko si Ameraa at dinala sa loob ng kweba. Nagtagpo ang paningin namin ni Hera nang makapasok kami. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa kanya dahil bigla na lamang siyang bumait sa akin.

"Aalis muna ako, Hera. Babalik ako bago pa man sumapit ang gabi," pagpapaalam ko sa prinsesa pagkatapos kong maiupo si Ameraa sa bato. Nagmamadaling kinuha ni Hera ang pulang supot saka inabot iyon sa akin. Nang tingnan ko kung ano iyon ay nanlaki ang mata ko. Mga pulang perlas iyon ngunit mas malaki kesa sa binigay sa akin ni Hylos.

"Gamitin mo iyan kung nasa panganib ka. Kumuha ka ng isang perlas at hipan ng dalawang beses, agad na darating ang nilalang na tutulong sa iyo. Mag-iingat ka, Thyste."

Nakagat ko ang aking labi nang tawagin niya ako sa tunay kong pangalan. Tama ang aking hinala na kilala niya kung sino ako. Nag-iinit ang gilid ng aking mata, nais ko siyang yakapin ngunit hindi ko magawa dahil natatakot ako sa panunumbat na maaari kong marinig sa kanya. Kaya naman tumakbo ako palabas sa kweba at dinala ang aking sarili sa tabing-dagat upang doon hayaan ang aking luha na bumagsak. I feel vulnerable every time I remember Hylos' death. Subali't hindi ko hinayaan na tuluyang balutin ng kalungkutan ang aking isip. I need to be safe because his family are depending on me.

Nang maging kalmado na ay agad na nagtungo ako sa kagubatan upang doon maghanap ng prutas at mga halaman na maaaring gawing pagkain. Hindi naman ako makakakuha ng isda at ibang halamang dagat dahil puro dugo pa rin ang tubig. Sa silangang parte ng Severia ay masagana ang mga prutas at pananim na ako mismo ang nagpalago. This is one of the things that distracts me from the pain.

I sighed heavily as I discarded the thoughts about him. Kinuha ko ang basket mula sa maliit na kubo na ginawa ko. Doon ko nilagay ang mga pinitas kong gulay at prutas. Nang mapuno ko iyon ay nagpasya akong umuwi dahil baka sila ay nagugutom. Kagabi pa kasi sila walang kain. Tinakpan ko ang basket saka muling bumalik sa loob ng kubo. I twisted my hair into a bun and picked up the clean cloak that Vaine must've left here when he visited. I was about to go out when I felt a strange energy.

It wasn't from an enemy but it was dangerous. Mabilis na kinuha ko ang rondel dagger na nasa ilalim ng mesa at hinanda ang aking sarili sakali man na may biglang umatake sa akin. Subali't makalipas ang ilang minuto ay walang nangyari. Nawala rin ang enerhiya na naramdaman ko pero hindi ako dapat magpakampante. I should not let my guard down. Bitbit ang basket at rondel dagger ay lumabas ako sa kubo at tumakbo pabalik sa kweba. Good thing nothing happened to me on the way back home.

The Secret of AmarinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon