𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟒

5 0 0
                                    

LUMIPAS ang halos isang oras bago ako nakarating sa isa sa mga hotel na pag-aari ko. 

Cassa Hotel...

Basa ko pangalan ng hotel. It is one of the luxury 5-star hotels around the world. 

Bumaba ako ng kotse saka ibinibay ang susi sa mga tauhan kong naghihintay sa akin sa labas. Hinayaan ko siyang i-park ang kotse ko.

Nagsiyuko lahat ng mga employees ng hotel nang pumasok ako. Hindi ko sila binalingan at sumakay na sa sariling elevator ko sa hotel. 

Huminto ito sa pinakamataas na palapag kung saan sakop ko ang buong palapag. My very own penthouse suite.

Ibinagsak ko ang sarili sa malaki kong sofa. Tinanggal ko ang maskara na sakop buong mukha ko pati na ang stilettos dahil nananakit na ang paa ko doon.

It's been a year since ginamit ko ang penthouse na ito. Dito ako dumiretso kanina para magbihis para sa meeting ko sa kompanya kung saan kagagaling ko lang. Ngunit bago iyon ay inihatid ko na muna si Hannie sa university. 

Sinabihan ko siyang kalimutan ang mga nangyari at magpanggap na hindi ako kilala kapalit ng paglinis ko sa pangalan niya. 

Sobrang lawak ng penthouse ko kahit ako lang naman ang katira dito.

May tatlumpong malalaking guest rooms dito at walong master bedrooms. Malawak din ang sala na sampung beses ang laki ng sala sa mansion sa school. There is even a massive pool and a hot tub with a view, a gym, a movie theater with auto darked whenever you watch something, a $3M worth of piano itself, a massage room, arcade room, my very own bar and many more.

Pumasok ako sa kwarto kung saan ako natutulog kapag nandito ako saka dumeritso sa walk-in closet ko na sobrang lawak. Nandito lahat ng collections kong damit, sapatos, mga alahas at kung ano-ano pang gamit ko na halos hindi ko rin naman nagagamit. Pakiramdam mo talaga naglalakad ka sa mall na punong-puno ng mga mamahaling gamit dahil mula pa ito sa iba't ibang bansa. 

Magkahalong puti, ginto at itim ang buong suite. Talagang sumisigaw sa pera at kayamanan ang bawat sulok ng silid na 'to.

Binuksan ko ang isa sa mga babasaging shelves na gawa sa salamin. Punong-puno ito ng shirts na malinis tignan dahil nakasalansan ito base sa kulay. 

Kumuha ako ng isang simpleng white shirt at itim na jogger pants naman sa kabilang shelf. 

Naligo ako sandali bago bumalik sa kwarto ko at natulog. 

Kinaumagahan, alas-otso na nang magising ako. Naligo ako agad saka nagsuot ng itim na sweatshirt na pinaresan ko ng light blue jeans at white sneakers. 

Imbis na gamitin ang elevator ay binuksan ko ang isa sa mga hidden elevator ko sa kwarto. Bumaba ako sa isa sa mga kwarto sa ibaba ng suite ko. 

Inukupa ko ang kwarto na'to para makalabas ako kung gusto kong lumabas bilang normal na tao lang at hindi makilala ng mga tauhan ko sa hotel.

Lumabas ako ng kwarto at ginamit ang ordinaryong elevator kung saan may ilang tao rin ang nakasakay.

Nang makalabas ng hotel ay dumeritso ako sa parking lot kung nasaan ang ginamit kong BMW i8 papunta dito kahapon. 

Nang makapasok ng kotse ay sakto namang tumunog ang cellphone ko. It's Trisha, ibinigay ko kasi ang phone number ko dito dahil sobrang mapilit, na hindi ko naman nakayanan dahil naiirita ako sa ingay niya.

Sinagot ko ang tawag. 

"Kat! Magma-mall kami today, magshoshopping. Busy kaba? Sama ka na sa'min, you know bonding na rin!" 

CRIMSON UNIVERSITY: VEIL OF SHADOWSWhere stories live. Discover now