SUMASABAY sa hangin ang mahaba kong buhok habang nagmamaneho. Nakakatulong ang hoodie kong suot upang hindi ako manigas sa lamig dahil gabi na.
Ipinarada ko ang aking motorsiklo sa isang madilim na bahagi ng kalsada bago bumaba at pumasok sa maliit na bahay na gawa sa nipa. Sumalubong sa akin ang dalawang lalaking nakaitim.
Naglahad ng kamay ang lalaking nakatayo sa kaliwa. Ibinigay ko sa kaniya isang card na berde, na ibinalik naman agad niya sa akin. Hinawakan nila ang sahig na gawa sa kawayan, iniangat nila iyon dahilan upang bumungad sa akin ang madilim na hagdan.
Naglakad ako sa sementong hagdan patungong ilalim ng bahay. Matapos ang isang minutong paglalakad narating ko ang itim na pinto. Malakas na ingay ng musika at amoy ng sigarilyo ang sumalubong sa akin nang makapasok.
Hindi ko pinansin ang mga naghahalikan, naglalandian at nagsasayawan sa paligid. Patuloy lang akong nalakad hanggang sa marating ko ang isang pintuan. Sa tabi nito ay dalawang maskuladong tao na aakalain mong estatwa sa sobrang tuwid ng mga tayo. Hindi man lang nila ako tinapunan ng tingin nang pumasok ako.
Madilim ang buong silid ngunit ramdam ko ang presenya ng mga taong nasa loob nito. Inayos ko ang maskara kong suot na sakop ang buong mukha ko. Inihagis ko ang hawak kong duffel bag na naglalaman ng iba't ibang klase ng kemikal. Narinig ko ang pagbukas nila ng bag.
"Maaasahan ka nga sa trabahong ito bata. Nagawa mong makuha ang mga ito sa mga intsik na 'yun. Dahil diyan ikaw na lagi ang aasahan ko sa mga ganitong klaseng trabaho." Ramdam ko ang malaking ngisi ng matanda habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"Sa tabi mo ay ang unang sweldo mo sa trabaho. At kapag ginawa mo lahat ng gusto kong ipagawa, tataas pa yan," pahabol niya.
Kinapa ko ang aking kaliwa hanggang sa may nahawakan akong isang bag. Kinuha ko iyon at walang salitang lumabas ng kwarto. Nasa gitna ako ng paglalakad patungong labasan nang may humarang sa aking tatlong lalaki.
"Hey miss, would you like to join us?" malisyosong saad niya habang may hawak na alak sa dalawang kamay.
Hindi ko siya pinansin. Sinubukan kong lumiko ngunit hinarang naman ako ng isa niyang kasama. Sinubukan ko sa kabila ngunit ganun din.
Napapikit ako sa inis. Sinubukan akong hawakan ng lalaking nasa gitna na hindi makatingin sa akin ng deritso dahil sa kalasingan. Inilagan ko lang ito dahilan upang dumiretso siya sa sahig. Tinulungan siya ng kasama niya at ginamit ko iyong pagkakataon upang makalayo sa kanila.
Inayos ko muna ang hood ng jacket ko bago sumakay sa ipinarada kong motor sa limlim na bahagi ng kalsada. Ipinaadar ko ito saka pinaharurot. Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang sirena ng kotse ng pulis na nagsisidatingan.
Napangisi ako at mas pinabilis pa ang takbo ng motor.
Napahilata ako sa higaan nang makapasok ako sa kwarto ng condo ko. Dalawang oras ko munang kinalikot ang cellphone ko bago maisipang maligo.
Saktong paglabas ko ng banyo ay ang pagtunog ng phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumawag. Nang makita ang pangalan ng auntie ko, agad umikot ang bilog ng aking mata. Siguradong kukulitun nanaman ako nito! Hays.
"Kat! Mabuti naman at sumagot kana. Marunong ka pa palang humawak ng phone mo. Kahapon pa kita tinatawagan pero nakapatay ang phone mo. Ano bang pinagkakaabalahan mo diyan at parang kinakalimutan mo na ako?" Sa tono ng
pananalita niya, sigurado akong nakabusangot ito ngayon."Sinabi ko naman sayo, Auntie, diba? May mga importante lang akong inaasikaso. At tsaka kung tumawag ka para lang kulitin ako ulit sa paaralang 'yon wag mo na akong pilitin dahil mas gusto kong mag-aral sa ibang bansa kaysa dito."
Rinig ko sa kabilang linya ang malalim niyang buntong hininga. Saglit kaming natahimik bago siya umimik muli.
"Come on, Kat. Maganda naman ang school na 'yun 'e. At least hindi ako mag-aalala sa tuwing nawawala ka nalang bigla sa school. Kaibigan ko ang may-ari ng paaralang 'yun kaya panatag akong ligtas ka 'dun," salaysay niya.
'Yun na nga e. Kaibigan niya ang may-ari ng paaralang 'yun. Siguradong pababantayan niya lang ako doon.
Kuha ko naman ang point niyang gusto niyang malapit lang ako sa kanya at hindi gaya ng dating sa ibang bansa ako nag-aaral. Sa sobrang higpit kasi ng paaralan ko duon, agad nilang tinatawagan ang tita ko sa tuwing nawawala ako. Ang tita ko naman, agad lumilipad ng eroplano sa sobrang oa.
"Anak, mapapanatag ako kung dito kalang mag-aaral sa Pilipinas. Malapit sa'kin. At mas mapapanatag ako kung sa Crimson University ka papasok," malumanay na sabi niya.
"Paano ka naman nakakasigurong ligtas ako sa loob ng paaralang 'yun?" ani ko.
"Kaibigan ko ang may-ari ng paaralan na iyon mula pa pagkabata. Malaki ang tiwala ko sa kanya. At tsaka marami kayang estudyante ang gustong makapasok doon dahil isa ito sa mga may pinakamagandang paraan ng pagtuturo at sobrang taas ng seguridad duon." Mahabang paliwanag niya.
Matapos ng ilang minuto naming pag-uusap, naisipan ko nang humiga. Napatitig ako sa ceiling ng kwarto ko. Detalyadong nakaukit dito ang dalawang pinagkrus na katana.
Katana Zeyah Cassanella...
Hanggang ngayon, napapaisip parin ako kung bakit ganung klaseng pangalan ang ibinigay sa akin ng mga magulang ko. Wala akong ala-ala sa kanila dahil isang taong gulang palang ako nang mawala sila. They both died in an accident. Kaya si Aunt Kay na ang nag-alaga sa akin since wala naman siyang asawa't anak.
Lagi akong nagpapasalamat na trinatrato ako na parang tunay na anak ng tita ko. Lagi niya akong inispoil sa mga bagay na hindi ko naman kailangan. Gustong-gusto niya talagang lagi lang akong masaya at ligtas. Ipinaparamdam niya sa akin ang pamilya at kaya itinuturing ko rin siya na parang tunay ko nang ina.
Pero malaki ang parte sa akin ang hindi pa niya kilala. Masakit sa akin na maglihim sa kanya dahil halos ituring na niya akong tunay na anak. Kailangan ko itong gawin para sa kaligtasan niya. Ngunit ang pinakalayunin ko talaga sa ginagawa kong 'to ay iisa lang. Ang malaman ang totoong dahilan ng pagkamatay ng magulang ko.
Hindi ako naniniwalang namatay sila sa isang aksidente lang. Walang may nakitang bangkay o kahit anong parte ng katawan nila sa aksidente.
Gagawin ko ang lahat upang mahanap ang magulang ko, patay man o buhay. Alam kong hindi simple ang pagkawala nila. Dahil kahit may kapangyarihan ako ay hindi po parin ito malutas-lutas.
Hindi ko magawang makahanap ng kahit na anong ebidensya manlang na magtuturo kung ano ang tunay na nangyari sa kanila.
♡♡♡
![](https://img.wattpad.com/cover/371709990-288-k260931.jpg)
YOU ARE READING
CRIMSON UNIVERSITY: VEIL OF SHADOWS
AcciónKatana Zeyah Cassanella is a cold-hearted woman who fears nothing. Raised without parents and without friends, she has chosen to shut herself off from the world. Friendship, to her, is a weakness. She believes that anyone she gets close to will even...