Chapter 1: I Love You

11 0 1
                                    

"Girl! Pakopya ako ng homework mo sa Math! Dali." Nagmamadaling ibinaba ni Flaire yung bag niya sa seat niya. It's 5 minutes before the bell rings. First subject pa naman namin ang Math.

"Tsk! Ano ba naman Flaire! Nakipagkita ka na naman dun sa boyfriend mo kagabi?" Tanong ko sa kanya habang hinahalungkat yung homework ko sa drawer ng desk ko.

"At saka papel na rin!" Pahabol pa niya.

Tong babae talagang to. Kung di ko lang siya bestfriend matagal ko na tong inuntog ulo neto sa Great Wall of China!

"Oh! Ayan! Dalian mong MANGOPYA baka mag time na!" Padabog kong nilagay yung papel at homework ko sa desk niya.

"Baka manghihiram ka rin ng ballpen?" Tanong ko pa sa kanya. Ba naman nasa harap na niya ang lahat di pa rin nagsimulang magsulat.

"Ah. Kung pwede sana." Nahihiya pa niyang sabi.

Naihilamos ko na lang ang mga palad ko sa mukha ko. "Aaaaaahhhh! O ayan! Grabe ka talaga! Ang aga aga. Nakaka badvibes ka naman!"

"Last na to." Sabi pa niya. Hooooh. Bilis talagang mangopya neto tapos agad niya after 30 seconds.

"Ang bilis mo talagang mangopya no? Talagang last na yan Flaire. Kasi po finals na natin next week. Meaning, di na magbibigay ng mga homeworks ngayong week." Inirapan ko siya. E ngiting ngiti naman siya.

"Hoy anong nginingiti mo jan ha? Di tayo bati ha?" Hinampas ko siya sabraso.

"Aray naman!! Masamang ngumiti? Tingin ka may pintuan o." ^o^

Pagtingin ko.

Ah.

Yung manliligaw ko.

Tsssss. Di ko naman type. Kahit pa sabihing gwapo at mayaman, ewan. Walang spark e.

Kumindat naman sakin ang gago. Yuck! Kinilabutan ako dun ha.

 As usual, inirapan ko lang siya.

"Gaga ka talaga. Iligpit mo na yan. Labas na tayo. Baka mag time na." Nauna na akong lumabas sa classroom namin. Nilagpasan ko lang si Troy, yung manliligaw ko.

"Pasensya ka na bro! Meron siya ngayon." Narinig kong sabi ni Flaire sa kanya.

"Lagi naman e." Sagot naman ni Troy.

*kring kring kring kring kring*

Time na!!

"Flaire dalian mo nga dyan!" Sigaw ko kay Flaire. Mag fa-fall in line pa kasi kami for flag ceremony.

"Heto na poooo!" Sagot naman niya.

***

Pagkatapos nung flag ceremony, pumunta sa stage yung principal namin.

"Mic test, mic test. Ehem. Good morning Trinitirians, I have a good news for all of you, today we decided to cancel our class session for some important matters. Sorry for the late announcement. That's all, you may now go to your classrooms and go home." At bumaba na siya ng stage.

"Nakakainis naman! Sana tulog pa ako ngayon!"

"Ako rin!"

Bla bla bla.

Ang daming nagreklamong mga estudyante habang napasok sila sa kanya kanya nilang classroom. Siksikan na sa hallway kaya medyo nagpahuli kami ni Flaire na pumasok.

"Girl, tara stroll sa mall." Aya naman ni Flaire.

"Sige. Wala naman akong gagawin sa bahay e." At saka pag umuwi ako uutos utusan lang ako dun. Ayaw ko kaya ng ganun. Di lang ako makaangal.

My Eighth LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon