Pagkatapos magpropose ni Liam, niyaya niya kami ni Flaire na kumain sa labas.
Sa isang food chain sa mall na lang kami nag decide pumunta kasi alangan namang sa may romantic chuchu kami e kasama namin si Flaire. Di ba? Di ba? Di ba?
"Yun lang ba order niyo? Libre ko naman e." Sabi ni Liam habang minamasdan yung sinulat niyang order namin.
"Oo. Kakahiya kasi." Sagot naman ni Flaire. If I know, ang takaw kaya neto.
Ako naman, tahimik lang. Nakatingin kay Liam. Di talaga ako makapaniwala na kami na.
^______^
"El. Hoy!" Gulat naman ako kay Flaire. Napansin ko na lang na nakapila na si Liam dun sa may counter.
"Bat ba?"-ako
"Aba. Ang lapad lapad ng ngiti mo. Pwede ka ng mapagkamalang belew. Pffffft" Natatawang sabi ni Flaire.
"Wapakels! Sa masaya ako e." sabi ko tapos tumingin ulit ako kay Liam.. Yummmmyyy!!
Naramdaman kong kinalabit niya ako tapos bumulong siya.
"Pero seriously, di ba huminto na siyang manligaw sa'yo? Then why of a sudden, nagpropose siya sa'yo?"
"So?" Tanong ko pero nakatitig pa rin ako kay Liam.
"Di ka ba nagtataka? Yung totoo?" Slowmo akong tumingin sa kanya. (~_~) . . . . . . (>,>
Lagot na. Seryoso nga siya. Nagcrossed arms siya tapos sumandal sa upuan niya.
"Maybe kasi ano. . . . Kasi. . . ." Ano nga ba Elise? Kasi?
"See? Di mo masagot." - Flaire
"Hindi masagot ang alin?" Tanong naman ni Liam sabay lapag nung order namin.
Napatingin naman ako kay Flaire.
"Naku, Liam! Wala yun. Girl thing." Sagot ko naman. Tumingin ako dun sa tray na nilapag niya. Bat parang kulang?
"Ihahatid na lang yung ibang order. Antayin na lang natin." Nabasa niya ata nasa utak ko.
"Ah." sagot ko na lang. Tapos tumingin ulit ako kay Flaire. Tahimik lang siya pero iba ang sinasabi ng mga mata niya.
KRO KRO KRO KRO
Ang tahimik! Kaso maingay ang paligid. Hehe. Tahimik kaming tatlo.
"Sir, here are your orders sir." Medyo nagulat pa ako nung nagsalita yung crew ng food chain. Nilapag na niya yung order namin sa table.
"Anything else po?" Tanong ulit nung crew.
"Wala na po." Sagot naman ni Liam. Tapos nag thank you yung crew tas yun umalis na.
"Ui, tara kain na. Sayang o." Parinig ko kasi di man lang nila ginagalaw yung orders namin.
"Ay oo nga. Tara." Sabi naman ni Flaire.
Sa wakas natapos na rin. Ewan ko ba. Bat ang tahimik naming kumain kanina. Wala man lang kwentuhan? Parang AWKWARD? O ako lang yun?
Palabas na kami ngayon ng mall nang biglang huminto si Flaire.
"Bestfriend. May bibilhin pa pala ako. Una na kayo. Text na lang kita mamayang gabi." At nagbeso beso na kami.
"Ingat ka ha?" - Ako
"Me pa!! Ge bye! Bye Liam!" At tumakbo na si Flaire papunta kung saan.
"Hatid na kita." -Liam
Tapos naramdaman ko na hinawakan niya yung kamay ko.
BINABASA MO ANG
My Eighth Lover
Teen FictionYou'll never know what will be happening to your love story.