Prologue

9 0 0
                                    

School year 2024-2025 is peeking and I am not really excited about it. Although I love to study but I also want to rest and fuck my whole life living in my room with my phone and foods.

But we all know we need to get ourselves up and be ready. It's not just because we need to do this for our family, but also for ourselves to have a better future and to live our life to the fullest.

I am currently lying at my bed searching for online shops that sells school supplies since I don't want to go out. I don't have energy to go out since I don't feel it.

I scrolled through my phone so many times already but I don't see any of them that suits my likes.

Maybe I should buy my things personally, but not now, I'm thinking maybe next week....

My mom's keep on asking me if when will I buy things to use for school but I always keep on shrugging because I don't know.

That's she told me to look online if I don't want her to buy for me.

So.... I need to lie, because for sure if she'll find out na wala pa akong nahahanap na gamit. She will be the one who'll buy for me.

And I don't want it to happen.

I just can't imagine my things with girly designs that freak me out.

Lumabas ako sa kwarto ko, at dumungaw sa may hagdan para makita ang ina kong nasa sala, nanood ng drama.

"Mom! " I yelled. "I found one shop here that sells everything, naka checkout na rin ako pero medyo matatagalan pa bago ma deliver" pagsisinungaling ko para makalusot sa kanyang pinaplano.

She looked up at nakakunot ang kanyang mga kilay na parang nagtataka.

Please lord, kahit ito to lang ibigay mo na.

Kinakabahan ako sa susunod na sasabihin ni mama.

"Bakit medyo matagal? San ka ba naka order? Aabot ba yan bago ang pasukan? " sunod sunod na tanong niya sa akin.

Ano ito ma, fast talk with boy abunda?

Napahinga ako ng maluwag ng marinig ang mga katanungan ni mama dahil nakalusot ako. hehe

"Sa ibang bansa pa kasi galing, ma" napakamot ako sa ulo para di halatang nagsisinungaling. "yon lang kasi ang shop na nagustohan ko" dagdag ko pa.

Kulang nalang ay makokoronahan na ako nitong 'Queen of lies'

"Ah ganon ba, oh siya sige. Basta make it sure na aabot yan" sagot ni mama sa akin at ibinalik ang sarili sa panood ng telebisyon.

Napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa sarili kong kwarto.

Lumipas ang ilang araw ay wala pa ring ka alam alam si mama. Kaya kailangan ko ng bumili ng mga gamit para hindi mabuko.

Nagpaalam ako kay mama na lalabas, na pupunta ako sa bahay ng kaibigan dahil nababagot na ako sa bahay. Sumangayon naman siya. Palagi nalang daw akong nagmumukmok sa kwarto ko. Wala na daw akong ibang ginawa kundi ang mag kulong kaya daw parang wala na daw akong dugong natitira dahil sa putla.

Napairap nalang ako at dali daling lumabas matapos mag paalam dahil naiirita talaga ako pag ganyan na ang mga sinasabi sa akin ni mommy.

Because I know in myself man na I'm not, and I'm taking care of myself kaya. Although hindi lang talaga ako lumalabas pero kumain at natutulog ako sa tamang oras.

Nasa labas na ako ng bahay nag aantay ng taxi para makapunta na sa mall at makabili ng mga kailangan kong gamit.

Mamaya ko na poproblemahin pano ko ipapasok ang mga yon sa bahay ng hindi nakikita ni mama.

Pumara ako sa paparating na taxi at sumakay na. Sinabi ko kay manong kung saang mall kami pupunta para isahan nalang ang pagsalita.

Ilang minuto lang at nakarating na kami sa sinabi kong mall. Nagbayad ako kay manong at nag pasalamat. Pumasok ako at dumeritso sa department store.

Nilibot ko ang paningin upang mahanap kung saan nakalagay ang mga school supplies at hindi ako natagalan. Namili ako ng mga gamit.

Binder lang binili ko since hindi naman din masyadong nag susulat sa Senior high, and graduating na rin ako masasayang lang kung hindi mauubos lahat.

Bumili na rin ako ng columnar book ko para sa major subject namin. ABM kase ang nakuha kong strand since I'm planning to take BSA in college. Bachelor of Science in Accountancy.

Although hindi talaga accountancy first dream ko.

Pagiging flight attendant sana kaso hindi ko talaga keri ang training. Nakikita ko palang sa tiktok ay napapa atras na ako. Dahil nga hindi ako marunong lumangoy at takot sa malalim at parte yon sa training ng mga FA kaya hindi ko na talaga kayang I pursue.

Kaya I choose accountancy, and I learn to love it as times passed by. I enjoyed it and it excites me everytime na may balancing na magaganap.

Hindi lahat ng gamit nandoon kaya pumunta ako sa Expression isang shop sa Mall kung saan nagbebenta rin ng mga gamit.

Nabili ko na lahat ng mga kailangan ko kaya hindi ko na kailangang magsinungaling pa bukas kay mama.

Nagutom ako sa paglalakad kaya I decided to eat, since nasa Mall ka mas madali talaga pag sa fast food chain ka kakain. Nakaorder na ako ng pagkain ko. Habang hinihintay ay sumusulyap ako sa ibaba. Dahil nasa pinakagilid ako, sa may salamin ay nakikita ko ang mga taong naglalakad.

Until someone caught my eye.

She's wearing black polo, white shorts that suits her very well. She has thing angst and it amazed me. She's also wearing a cap, a beige one. I keep my eyes on her. I think she's heading to supermarket since don ang location ng supermarket dito. hmmm, I like her taste sa pananamit ha.

But I didn't see her face.

Nawala lang ang tingin ko sa kanya ng may tumawag sa akin. Ang waiter pala, kanina pa kasi tumutunog ang bell hudyat na ready na ang inorder kong pagkain kung hindi lang ako tinawag ni kuya hindi ko pa namamalayan.

Ibinalik ko ang tingin ko sa babae ngunit wala na roon. Tumayo nalang ako at kinuha ang pagkain ko.

Habang pauwi ay iniisip ko na kung anong dapat kong gawin para hindi makita ni mama ang mga dala ko. Ngunit nakarating nalang ako sa aming bahay hindi pa rin ako nakakaisip.

Buti nalang lumabas si Ate Aya. Katulong namin sa bahay matagal na rin siya sa amin dahil mabait siya at masipag sa trabaho. Nilapitan ko siya habang ngumingiti.

"Alam ko na ang ngiting yan, Faye." bungad ni ate Aya sa akin. Alam na alam niya na kasi ako dahil parati nalang siyang nadadamay sa mga katarantadohang ginagawa ko sa buhay.

"Ate Aya, pleaseee. Pasuyo lang hehe, uhmmm ikaw na magpasok nito sa loob. " ibinigay ko sa kanya ang mga gamit ko. " pero pag nakapasok na ako sa loob. Sabihin mo nalang delivery ate Aya." nag puppy eyes ako sa kanya bago ngumingiting tumakbo papasok sa bahay.

Hindi ko nakita sa sala si mommy kaya dali dali akong umakyat sa kwarto ko para makapagbihis. Saktong pag labas ko sa kwarto ay pumasok si Ate Aya dala dala ang mga gamit ko. At nasa sala na si mommy.

"Faye, may delivery para sa'yo" pabalang na sinabi nito sa akin. Pinandilatan ko ng mata si ate dahil baka mabuko ako.

"Yan na ba ang inorder, anak? " tanong ni mama sa akin.

"ah opo ma, ito na po yon. Isang linggo lang naman pala bago ma deliver." sagot ko kay mama at kinuha ang mga gamit mula kay Ate. Nginitian ko si ate Aya para mag thankyou, sabay pout na parang kiss sign sa kanya. Binigyan niya lang ako ng tingin na parang nagsasabing "ikaw talagang bata ka"

Natawa nalang ako at umakyat muli sa kwarto para iayos lahat ng gamit na nabili. Nakalusot rin sa wakas.

Solace EscapeWhere stories live. Discover now