Chapter 1

0 0 0
                                    

"Bes!! Nakita ko si Ulan! 'Yung crush mong introvert!" nakakagulat na sabi ng kaibigan ko pagkarating ko ng classroom.

Hindi na bago sa mga kaklase ko ang kaingayan ng kaibigan ko kaya walang pumansin sa ingay ng friend ko.

"Ah nakita ko rin siya kanina sa hallway." malamig na saad ko.

Minsan naiinggit ako sa kaibigan kong si Alia. Sa hubog ng katawan ba naman nitong kaibigan ko e, paniguradong maraming nagkakagusto sakaniya. Friendly at may flawless skin pa 'tong kaibigan ko. Sanaol nalang. I'm so glad na naging kaibigan ko siya.

"Ba't anlamig ata ng umaga mo girl! Inaway ka nanaman ba ng mommy mo?" ani nito sa tabi ko at niyakap ako.

"Hindi ah. Nakita ko kasi si Ulan, may kasamang babae." ani ko rito. Sakit ni Ulan par.

Si Rain Vincent Dima-giba aka ULAN ay ang nagiisang crush ko no'ng highschool. Ewan ko ba. Na-attract kasi ako sa mga mata nitong sobrang lamig. Mas malamig pa saakin. Kapag tumatawa siya.. basta ankyut niya.

"Gaga! Baka kaibigan niya lang." lambing ng kaibigan ko sa tabi ko.

Kaibigan? Babae? Hindi nga kumakausap 'yun ng tao. Ewan. Base kasi sa mga cmates nito, hindi raw siya gaano nagsasalita o nakikihalobilo. Pero mabait naman daw siya.

Na-kwento rin saakin ni Angel na matalino raw ito. Dagdag pogi points!! Siya raw kasi naging highest sa math nila sa exam. Nakaka-proud si Ulan, sana ako rin.

Pagkaraan ng ilang oras dumating na rin si ma'am anica kaya nagfocus muna kami. Filipino teacher namin. Pinaka mabait at maganda naming teacher sa buong subject! Haha.

Wala naman nagbago. Ganun pa rin naman. Puro sulat, recitation, gawain at marami pa.

Nagrecess na kaya nagsimula na kaming lumabas para magtungo sa canteen. Bored na bored na ako kasi wala. Wala akong magawa.

Habang bumibili kami ni Alia, napansin kong panay "uy" niya sa gilid ko. Agad kong napansin na nasa harap ko pala siya kanina!! Omg- Halaaa hindi ko alam ang magiging reaction ko sa sobrang bilis ng pangyayari!! Hindi pa ako nakakapag make-up! eme.

"Tumigil ka nga Alia. Nakakahiya gagi ka huhu" ani ko rito. Gagi mukha pa naman akong tanga kasi nakatulala ako kaninaaa parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa!

"Sus! Bakit kaya hindi ka pa umaamin kay Ulan?" ani nito. Wala akong planong umamin sakaniya. Ewan ko. Pakiramdam ko kasi hindi niya ako type.

Ako kasi 'yung tao na maraming sekreto sa lahat. Friendly naman ako pero maingay ako kapag naging kaibigan mo. Pero kapag wala ako sa mood, minsan mo lang maririnig boses ko.

"Ewan. 'Di pa 'ko ready para ro'n. Baka ireject niya lang ako, 'gaya ng ginawa ni Michael." malamig na saad ko.

"Gusto mo ba abangan natin sa Rizal High 'yan si Michael? Nakakagago ba naman! Hindi ready amputcha! Muntanga!" ani nito sa kawalan.

Binlock ko siya e. Nakamove-on na'ko sakaniya kaya ok na 'yun. Ok na'ko.. sa tingin ko.

Imperfect Life Of Being A LoverWhere stories live. Discover now