Chapter 5

0 0 0
                                    

Natapos na rin ang Festival dance at sinisigurado ko na maganda ang performance namin kasi naghiyawan ang mga tao at kitang-kita sa mukha ng judge ang ngiti habang pinapanood kami. May iilan din ang mga nagvideo e.. medyo nahiya pa nga ako kanina sa dami ng tao.

"Grabe! Anggaling natin!!" ani namin ng sabay ni Alia.

Dumiretso na kami agad sa room, kumain ulit at nag-ayos ng damit. Tinanggal ko na rin ang maskara ko.

"Bakit mo tinanggal maskara mo? P'wede naba? Teka bagay naman sa'yo ah!!" sunod-sunod na ani saakin ni Alia nang tanggalin ko 'yung maskara ko.

"Mainit sis. Tsaka 'di na need since tapos na." saad ko sa tabi niya.

Nakakapagod!

Pinapunta na kami sa gitna ng field demo para malaman kung sino ang nanalo.

"Gusto niyo na bang malaman kung sino ang mga nanalo?!!" ani nang judge at naghiyawan ang mga tao. May iilan din na tahimik lang, 'gaya ko.

"4th place, grade 10!"
"3rd place, grade 11"
"2nd place, grade 7"

'Yan ang sunod-sunod na ani ng judge, ngunit pinigilan nila 'yung part na sasabihin na ang 1st place at champion.

"Ready naba kayo malaman kung sino sa grade 8 at grade 9 ang champion?!!" malakas at masayang saad ng judge.

Halata naman na kami ang panalo. joke. Magaling din naman ang grade 8 kaso hindi nakakaentertain ang song nila.. sorry to burst their bubbles but ang boring ng sayaw nila. Hindi lang naman ako ang nagsabi no'n, marami rin kasi ang bumubulok when they performed.

"Grade 9!" malakas at tuwang-tuwang ani ng judge.

Tamo sabi sa'yo e, grade 9 ang champion.

"Champion!!! Grade 8, 1st place!!" ani ng judge at naghiyawan ang mga grade 9 at kinuha ang trophy. Grabe! Dapat may ice cream kami rito ha!! Hihi!

"Ang unfair!! Maganda rin naman ang performance namin ha!! Grabe naman! Bias!!" ani ng mga ito.

Walang pake akong nagpapicture sa trophy at ngumiti. Pinicture-an ko na rin ang trophy ng mag-isa. So cute.

Gabi na at bored na bored ako kaya inopen ko ang Facebook account ko at nilog-in ang confession wall ng school namin.

Grabe!! Daming messages tungkol sa nangyari kanina!! Ganun ba sila ka galit? Grabe.. maganda rin naman performance namin pero bakit parang 'di namin deserve?? Grabe ha! HA-HA-HA

"tama na mga jhs tapos na field demo, jusko masstress pa kami sa exhibit saka PR2 kaya tama na kayo!
Well again congrats sainyong lahat"
"What happened bat naging 3rd place yun g11 kanina sa tingen ko kala ko sila na yun mag chachampion pero congrats pa din g11 ganda ng sayaw nyo"
"Ang Galing Kumaldag ng Grade 10 nawala pagod ko sa Field Demo"
"bkit kailangan nyong sabihin sa mga grade 8 na nka paa lang hindi deserve yung champion kahit anong sabihin nyo 1st runner up paden sila mga grade 7 nag sasabi sa grade 8 na nka paa lang atlis nga sila nag eefort hindi ko naman sinasabi na hindi kayo nag eefort noh pero minsan wag mataas tingin nyo sa sarili nyo 4th runner up lang kayo grabi kayo maka judge kahit papano sila 1st runner up imbes na i-congrats nyo ung isat isa nag sisiraan kayo grabe na kayo."
"Dami nyo nmng dama tanggapin nyo nlng kasi na champion ang gr9 at 1st runner up lang taung mga grade 8.🙂dinyo kase matanggap na di kau ang nagchampion"

Puro ganoon ang mga laman nito at tila inis na inis at may iilan naman na nakakaintindi. May karamihan din na nagcoconggrats nalang sa nanalo, may iilan din naman na nagtataka kung bakit hindi napunta sa top 1-2 ang kanilang pambato dahil mas maganda pa rw ito kumpara sa naging top 2, mas sabay-sabay din daw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Imperfect Life Of Being A LoverWhere stories live. Discover now