Chapter 1

40 2 1
                                    

Mask

"Hi, David. How may I help you today?" Sabi ko sa kabilang linya.

Tumango-tango habang nakikinig sa sinasabi ng kliyente. While my other hand is busy holding my phone, scrolling through my TikTok.

Multi-tasking is never new to me. I'm used to it. Studying while doing laundry, reading manhwa while playing games and now, working while watching TikTok videos.

I am a working student. Nag-aaral sa umaga at nagtatrabaho sa gabi. Good thing, work from home set-up kaya nasa bahay lang ako at hindi na kailangan pang pumunta sa opisina.

Isa akong Virtual assistant kaya kahit paano, hawak ko ang oras ko at dahil diyan kaya minsan nakakatulog ako o nakakagawa ng ibang bagay habang nagtatrabaho.

Halos nakahiga na ako sa aking gaming chair na in-order ko pa sa shopee, nakareclined iyon kaya hindi masakit sa likod ang pagkakahiga ko. Ang dalawang mga paa ay nakapatong naman sa lamesa.

"Sure, David. I'll complete the tasks you assigned to me by tomorrow." I shifted myself just enough to reach the keyboard. Agad akong nagtipa doon.

The call lasted almost twenty minutes. David is one my client. He was giving me some tasks to work on.

Umayos ako ng upo at inabot ang Piattos na hindi ko pa nabubuksan. I was about to open it when my phone rang.

Napatingin ako do'n at napairap nang makita ang pangalan ni Brian, isa sa pinakamatalik ko na kaibigan.

"What?!" Bungad ko sa kanya agad, halos pabulyaw. Ganito kasi yung bonding namin, sigawan.

Ano na naman kaya ang ginawa nilang kalokohan? Sa tuwing tumatawag siya at yung isa ko pang kaibigan na si Cielo ay alam ko na agad na may ginawa na naman silang kabulastugan.

Ganyan lagi ang eksina. Ewan ko ba sa dalawang 'to. Hindi mapermi at laging nasasangkot sa gulo.

"S-Si Cielo, nakahanap ng a-away, binubugbog ngayon, Marga!" Natataranta niyang sagot.

Napatayo agad ako. Nawala ang antok. Muntik pang mahulog ang laptop ko dahil sumabit sa aking paa ang wire ng headphone na suot. Hinubad ko iyon at padarag na inilagay sa lamesa.

Natataranta na.

Kahit ganito tong mga unggoy nato, ayaw ko parin silang mapahamak. Nag-aalala parin ako sakanila.

Agad akong lumabas, hindi na alintana ang suot. Nakapambahay lang ako, jogging pants na may butas sa tuhod at lumang tshirt na may mantsa pa.

"I-send mo sa akin ang location niyo, papunta na ako diyan!" Sabi ko at pinatay agad ang tawag. Nagmamadali akong lumabas at sumakay sa aking motor na nakapark lang sa labas.

Muntik ko pang makalimutan ang helmet kaya dali-dali ko yung binalikan sa loob. Sa pagmamadali, na patid pa ang binti ko sa lamesa.

Napapikit ako.

Putang-inang buhay to!

Ang sakit, putik! Halos mandilim ang paningin ko sa sakit.

Tumigil muna ako saglit pero agad din na lumabas nang mawala na ang hapdi.

Sumakay ulit ako sa motor at mabilisan iyong pinaandar.

Dahil ala una na nang madaling araw kaya walang kakompetinsya sa daan. Lagpas 40 km/h na yata yung pagpapatakbo ko. Isang pagkakamali lang at makikita ko na si san pedro sa langit.

Mamamatay pa yata ako bago ako makarating sa lokasyon kung nasaan ngayon ang dalawang kaibigan.

It's somewhere in SRP, based sa s-in-ent sa akin ni Brian.

Illusory Of The Deep Blue Skies (Chocolates & Flowers Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon