Warning
Two months have passed since that night, but the memories are still vivid for me. I can picture it even when my eyes are close.
Tila panaginip lang pero hinding hindi ko makakalimutan ang mga matang 'yon. Kahit sa pagtulog nakikita ko ang walang buhay niyang mga mata. The emptiness and void.
It was like a bad dream, when his blank stares started to change. Na ang dilim at kawalan ay unti-unting nahahaluan ng pula.... ng kakaibang emosyon na hindi naayon sa normal na tao. Like he wanted something so deep and bloody.
I could see that the emptiness in his eyes was merely a front for something cruel and sadistic. Na tila ba may matagal na siyang hinahanap at nakita niya sa gabing iyon.
Tang-ina. Dalawang buwan na pero naiisip ko parin ang lintek na lalaking 'yon. Para ko tuloy siyang ex na bigla nalang akong g-in-host at hindi na nagparamdam kaya hindi ko makalimutan.
I sighed and grabbed my phone. Magtitiktok nalang ako para mawala sa isip ko ang gangster na 'yon. Ginugulo niya ang utak ko.
Seryoso pa ako nong una pero kalaunan ay tumatawa na sa mga funny videos na lumalabas sa fyp ko.
Mabilis kong sinaswipe-up pag hindi ko gaanong gusto pero napatigil lang sa sumunod na video.
"This is how I wake that sleepyhead motherfucker up..." Pamilyar sa akin ang gwapong lalaki na siyang nagsasalita sa video. Naglalakad papunta sa kung saan. Mapaglaro ang mala-soro na mga mata.
I was about to swipe it up when I remembered who he was.
Right! He was one of them. Siya yong naninigarilyo katabi ng lalaking may maamong mukha.
The handsome chinito guy with a buzz cut. How can I forget? He was one of his friends.
Nakita kong nilapitan ni singkit ang isang lalaking natutulog sa isang six-seater sofa. Nakatabon sa mukha ang isang libro na patungkol sa history.
Kitang kita sa video kung gaano kalawak ang palagid, nakaglass wall pa kaya tanaw ang mga naglalakihang puno sa labas. Para silang nasa ibang bansa. Somewhere in States or Europe?
"Wake up, sleepyhead!" Pabulyaw na sabi ni singkit at sinimulang kiniliti 'yong natutulog. Halatang matangkad yong kaibigan dahil lumagpas ang mahahaba niyang binti sa hinihigaan.
Kung iisipin, magkasingtangkad lang yata silang lahat.
Umangat ang isang kamay niya at ang malakandilang mga daliri ay humawak sa ibabang bahagi ng libro at tamad na tinanggal iyon mula sa pagkakatabon sa mukha at umupo ng maayos.
Bumungad sa akin ang kawalan ng emosyon ng kanyang mukha. Di man lang nagalit na ginugulo ng kaibigan niya ang kanyang pagtulog. Kung naiirita ay hindi iyon kita sa kanya.
Bahagya lang siyang tumingin sa camera at ibinaba agad ang mga mata sa librong hawak. Nagsisimula ng magbasa at hindi na pinansin ang gumising sa kanya.
Siya 'to... Hindi ako pwedeng magkamali.
I'm slowly getting anxious that I'm having trouble breathing.
I paused the video and tried to relax myself. Hindi ako dapat kinakabahan. This is just a video. He can't do anything to me. He's away, and God knows where he is.
"Say hi to your fans dummy!" utos sa kanya ng kaibigan.
Umangat ang mukha niya sa camera. Dahil maliwanag kaya kitang kita ko ang kulay ng kanyang mga mata. Dahil palaging walang buhay kung makatingin siya kaya dumidilim ang kulay ng mga iyon pero ngayon ay natitigan ko 'yong mabuti.
BINABASA MO ANG
Illusory Of The Deep Blue Skies (Chocolates & Flowers Series 1)
General FictionShe fell for the monster. Dreyden Elijah Calver was bad news. A psychopath. Soulless. Cold. Stoic. Was he really unhinged? A villain? Or was he just misunderstood? Can she guard her heart from him and save herself from a serial killer on the loose?