Chapter 2

348 7 0
                                    

April 24 nag-outing kaming mga magkakaklase sa sa Real,Quezon sa pagkakatanda ko ay mga 24 kami nun.

Ilang oras rin ang byinahe namin.
Pagkarating namin sa Real ay nagsipagswimmingan na kaming lahat habang ako nasa cottage pa lamang dahil inaayos ko pa ang mga gamit namin, papunta nako sa dagat ng bigla akong tinawag ni Francis at gusto nya kong makausap tungkol kay Isabelle pinagtapat nya sakin na may gusto na sya kay Isabelle unang araw palang ng pasukan at gusto nyang tulungan ko sya kay Isabelle dahil daw malapit ako dito.
Class President namin si Francis sa section namin honor student rin matipuno,matalino,mabait,mayaman, at magalang ayon ang pagkakakilanlan ko sakanya base sa nakikita ko, sinabi ko kay Francis na susubukan ko syang matulungan pero sa huli kay Isabelle parin ang desisyon.

Pagkatapos naming mag-usap ay pumunta nako sa dagat kung san naroroon si Isabelle at ang iba pa naming mga kaklase, habang nagtatampisaw kami sa dagat ay binanggit ko na sakanya na may gusto si Francis sakanya
"Isay, alam mo ba kanina kinausap ako ni Francis. Nagpapatulong ilakad ko daw sya sayo. Uy kinikilig na yan" sabi ko kay Isabelle.

Nakita kong namula ang mga pisngi nya malamang nga'y kinikilig sya,
Sumapit ang dilim at nag bonfire kami sa tabing-dagat at naglaro kami ng spin the bottle.
Nakakailang ikot na at nagkakatuwaan na kami yung pangwalong ikot ay tumapat samin ni Francis tinanong ko sya kung truth or dare pinili nya ay dare inayos ko na ang mga kamay nya hingpitan ko talaga at tinanong sya
"Mahal mo ba si Isabelle..."
Hindi ko pa nahihigpitan ng sobra ay sinagot nya ng malakas "OO..."

Katulad lang ng karaniwang kabataan kinanchawan namin sila at nagkailangan naman sila.

10:00 pm natapos ang pagbo-bonfire namin nagsipagpuntahan na kami sa kanya-kanya naming mga cottage syempre kasama ko si Isabelle sa cottage at yung dalawa pa naming mga kaklaseng babae.

Malapit na kami sa pintuan nung humabol at tinawag ni Francis si Isabelle
"Pwede ka bang makausap ng personal kahit saglit lang?" Sabi ni Francis

Pinaalam rin sakin ni Francis kung pwede sabi ko naman oo ewan ko lang kung papayag si Isabelle.
Pero pumayag si Isabelle at sumama kay Francis palabas.
Di ko na sila sinundan dahil personal nga daw at panatag naman ako kay Francis na wala syang gagawing masama kay Isabelle.

11:00 pero wala parin si Isabelle.

Story of the raped GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang