Chapter 4

83 6 0
                                    

Halos hindi ako nakatulog buong gabi dahil sa nangyari kagabi. Halos hindi ko na matandaan kung paano ko napakalma si Chloe kagabi. Hindi ako makapaniwala na nangyari iyon.

Hanggang ngayon, nagulat pa rin ako.

"Nasaan si Chloe, Manang?" Tanong ko sa kasambahay nang bumaba ako sa hagdan at makasalubong siya.

"Nasa pool area po, ma'am, kasama po si Miss Hira." Binigyan ko siya ng ngiti bago tumango.

Tanghali na akong nagising at inasahan kong wala na si Hira sa tabi ko. Iniisip ko pa naman na baka naglalaro lang siya dito sa mansyon.

Naabutan ko sila na nakaupo ng magkaharap habang naglalaro at nagtatawanan. Hindi bakas sa mukha ni Chloe ang kalungkutan sa nangyari kagabi.

Inangat ni Chloe ang kanyang mga mata sa akin kaya naman nagtama ang aming mga tingin. "Kath! Halika dito, oh. Naglalaro kami ng sungka ni Hira."

Lumapit ako sa kanila at nakitang si Hira ngayon ang naglalaro. Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan mabuti si Chloe. Gusto ko siyang tanungin kung okay lang ba siya pero dahil masaya akong nakikitang masaya siya ay hindi na lang ako nagtanong. Baka kasi bigla siyang maging malungkot at umiyak kapag naalala niya ang nangyari kagabi.

Umupo ako sa isang upuan at nakaisip ng ideya. "Mag-mall kaya tayo para mag-shopping? Ang boring naman kung maghapon tayo dito sa bahay at hindi gumagala, di ba?" Aya ko sa kanila.

"Sige lang ako. Wala rin naman akong gagawin kaya maganda ang naisip mo, Kath. Mag-shopping tayo at mag-mall," sagot niya. Ngumiti ako kay Chloe bago tumingin kay Hira na abala pa rin ngayon. Kunot ang noo at tutok na tutok sa kanyang ginagawa.

Kapag ganito siya kaseryoso, hindi ko maiwasang maalala si Hiro. Naalala ko siya sa anak ko, sa anak namin...

"Aw, Tita! I'm finished. It's your turn now!" Bakas sa boses niya na hindi niya gusto na ang tita niya ang maglalaro. Napatingin siya sa akin nang mapansin niya ang matagal kong pagtitig sa kanya. "You're here, Mommy. Are you okay?" Kumunot ang noo niya at inayos ang kanyang suot na salamin.

Tumango ako bago tumayo. "Mamaya niyo na lang ipagpatuloy ang paglalaro niyan. Tara na, pumunta tayo sa mall."

"Mall, Mommy? Are we going to the mall?"

"Yes, anak."

"So, can I buy something?" Nag-puppy eyes siya habang magkahawak ang kanyang mga kamay. Tumango na lang ako sa kanya bago ginulo ang kanyang buhok.

Hindi ko alam kung tama ang naging desisyon ko dahil pagdating namin sa mall, ang dalawa ay halos kung saan-saan pumunta para may tignan at bilhin. Gusto ko lang naman kaming mag-mall para malibang si Chloe at pansamantalang makalimutan ang kanyang problema.

Hindi ko alam kung naging trend na ba ngayon sa mga lalaki ang saktan ang mga babae imbes na tratuhin sila ng tama. Hindi ba nila naiisip ang kanilang mga ina? Paano kung sa mga ina nila ginawa ang ginagawa nila, o kaya sa mga kapatid nilang babae? Hindi ba nila naiisip iyon habang ginagawa nila ang mga masasamang bagay sa mga babae?

Ang dalawa kong kasama ay may bitbit na mga shopping bag, pati na rin ang dalawang bodyguard na kasama namin sa likod. Kung palagi yata kaming mag-shopping, sigurado lahat ng makita nila sa mall ay bibilhin nila, at wala silang pakialam sa presyo. Sa katunayan nga, hindi sila tumitingin sa presyo.

"Saan niyo gustong kumain?" I asked for their suggestions while I was looking around.

Hawak ko ang isang kamay ni Hira habang sa kabilang kamay naman niya ay may hawak siyang libro.

"Well... it's been a while since I last ate at Jollibee. So why not go there? Hindi pa si Hira nakakakain doon, kaya't maganda siguro na masubukan niya rin." Chloe suggest.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 5 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beneath the Ceaseless ShowersWhere stories live. Discover now