01: Weird

2 0 0
                                        

"Good morning students! Welcome to our first day of this school year!" Rinig kong sabi sa mga nakapalibot na mga speaker dito sa academy. Yay first year college narin sawakas!

Laki talaga ang pasasalamat ko na nakasama ako sa mga scholars!

"Claire!" Napaharap naman agad ako sa babaeng sumigaw.

"Des! Hindi kita napansin, grabe ang daming mga estudyante!"

"Hayst pano mo naman ako mapapansin eh busy kang pagmasdan tong academy!" Sabay irap pa niya. Diko tuloy napigilan ang tumawa.

"Ang ganda kasi talaga!"

"Ay nako true talaga yan, pero kailangan na nating pumunta sa stage may attendance daw ng mga students. Baka mahuli tayo!" At ayun nga halos lakad takbo ang ginawa namin dahil nga baka mahuli kami, estrikto pa naman daw dito yung nag su-suspect!

"Hay buti naka abot tayo!" Bulong ni Des. Tama! Buti talaga naka abot kami, nako muntik pa kaming mahuli!

"Good morning everyone!" Nagsimula nang magsalita yung matandang babaeng nasa stage na Principal namin.

"Highschools, first years, and soon to graduate, welcome to your first day! We wish you a nice and welcoming start to every departments! You must wear the proper uniforms and don't forget your IDs. We strictly follow the rule 'No ID, No Entry.' Enjoy your first and upcoming days! We'll seeing each other everyday! All of you may now proceed to your designated departments! Good luck!"

"Excited nako! Sana magkaroon pa tayo ng ibang kaibigan sa loob ng classroom!" Hay sana nga!

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa aming classroom ay may nakabunggo akong estudyante na mukhang nagmamadali rin.

"ay sorry miss!" Saad ko kaagad. Shucks diko siya napansin,

"A-aray... Nabali ata yung balakang ko." Saad nung babae na naka upo na ngayun sa sahig! Shucks ganun ba kalakas yung impact?

"S-sorry po talaga, hindi ko po kasi kayo napansin! Uhm... Sasamahan ko nalang po kayo sa clinic." Pag presenta ko. Sinamahan ako ni Des na tulungang itayo yung babae dahil mukhang napilay! First day na first day tapos ganto mangyayari.

"Uh hindi na ok lang ako—"

"Kayla?!" Biglang saad ng nasa likuran namin. Ha sino naman toh?

"M-mom—" Gosh lagot mama niya ito!

"What happened to you?! Are you ok?" Lumapit naman siya dito at mukhang sinusuri pa ang buong katawan dahil baka nasugatan.

"U-uhm... Excuse me po... S-sorry po talaga! Kasalanan kopo kung bakit siya natumba Ma'am." Paghingi ko ng tawad. Hay sana hindi nila ako ipa-principal!

"Bes! Una nako! Baka wala tayong attendance ! Kaya muna ba?" Pagsingit naman ni Des. Gosh oo nga!

"Ah sige! Sunod nalang ako, ikaw na bahala sa attendance ko ha!" Saad ko sakanya bago siya pumanhik patakbo sa aming room.

"I think I found her." Biglang sabi nung nakabungguan ko na Kayla ata ang pangalan, pero pabulong lang yun pero narinig ko parin kakalinis ko lang ng tenga eh.

"Are you sure?" Gosh ano aalis naba ako? Mukhang busy silang mag-usap na mag-ina eh.

"E-excuse me po..." Pagsingit ko sa usapan nila.

"Oh! Ikaw ba yung nakabunggo sa anak ko?" Saad nung mommy ni Kayla.

"Ts, daughter my ass." Bulong ni Kayla, huh tama ba yung pagkakarinig ko?

"U-uhm... Opo... Sorry po talaga! Please po wag niyo akong ipa-principal! Hindi kopo talaga sinasadya!" Hysterical na sabi ko! Gosh ayokong mag karecord sa office tapos ngayong first day of school pa!

"Hahaha" They laughed. Pero hindi naman yung sobrang oa na tawa.

Teka nga, tumatawa sila? (duh malamang) 

"Naku sabi ko naman na ok lang ako noh! Hindi ka namin ipapaprincipal, right mom?" Sabi ni Kayla.

"Oo naman! At saka aksidente lang naman yun." Gosh buti nalang mabait sila.

"Thank you po! Naku kinabahan po ako, kala ko mag kakarecord agad ako ng hindi maganda sa office hehe" Sabi ko.

"Pero grabe ang lakas nun ah! Medyo malayo yung napabagsakan ko." Oo nga noh? Pero baka na out of balance lang talaga siya. Talaga lang Claire?

"Ah! Ako nga pala si Kayla, this is my mother Lucille, and you are?"

"C-claire! Amora Claire hehe"

"Nice to meet you Claire! I hope we meet again! And that's for sure." Saad ni Kayla bago sila umalis dahil pupunta pa silang clinic para ipacheck yung balakang niya. May sinabi pa siya bandang huli pero hindi kuna narinig. 

"Buti hindi ka pina office. Saka mukhang mabait talaga sila!" Naikwento ko kay Des ang lahat ng nangyari kanina, at heto kami ngayun papunta sa cafeteria dahil katatapos lang ng second class namin. Mukhang tama nga sila na hindi kami masyadong mai-stress ngayun dahil puro introductions and attendance lang ang ginawa.

"Oo nga eh! Naku laking pasasalamat ko talaga!"

"Hoy pero grabe yung pagkatilapon nung Kayla kanina nung nabunggo mo! Kitang-kita ko yung pwersa! Babae kaba talaga?!" Si Des.

"Pwede ba! Kahit ako hindi makapaniwala kasi sigurado naman ako na hindi masyadong malakas yung pagkabunggo na nangyare eh, pero ewan ko ba." Hayst ang weird.

Actually nangyari narin toh dati, highschool pako nun. Nasa isang maliit na playground kami na malapit sa dati naming tinitirhan, may mga nakaaway ako nun, pero hindi ako ang nagsimula ah! Nagka-taon lang kasi na pinaghihinalaan akong kabit! Grabe! Tapos inabangan ba naman ako dun dahil alam nilang dun ako tumatambay tapos ayun sinabunutan nako! Langhiya 3 versus 1 ba naman! Kaya sobrang napuno talaga ako nun hindi ko naiwasang sumigaw para sana may makarinig din sakin, tapos ayun bigla nalang silang nagsitumba. Pero sure naman ako na hindi ko sila nahawakan e, bat sila natumba? Kasabay din nun ang pag ihip ng malakas na hangin. Yun din ang rason kung bakit kami lumipat nila mama ng ibang bayan, pano ba naman pina baranggay pa nila ako dahil sinaktan ko daw sila eh sila nga yung nananakit eh! Ni hindi ko nga sila nahawakan! Hanggang ngayon nga ramdam ko parin yung sakit ng anit ko dahil sa pagkakasabunot nila, chos!

Celestial AcademyWhere stories live. Discover now