Akisha:
Another day, another rehearsal.Pang limang araw na namin.
AT SA LIMANG ARAW NA 'YON, GANO'N PA RIN ANG KABOG NG PUSO KO TUWING NAGKAKATINGINAN KAMI!
At sa limang araw rin na 'yon ay mas lumalala pa ang issue.
Araw-araw niya akong hinahatid pauwi, dahil laging kaming dalawa ang naiiwan.
Kaya lagi na rin ako naka mask at cap kapag sasakay sa sasakyan niya, bwisit na 'yan.
She already dropped statements na.
Na friend lang niya ako, though hindi kami friends.
I mean, kung sa tingin niya kaibigan kami, ede kaibigan kami, pero para sa'kin, idol lang siya sa paningin ko.
Si Madie naman, ewan ko ba.
Matapos daw umamin ni Ms. Cahil, nabalitaan na may girlfriend na pala.
Ewan ko tuloy kay Madie ano balak sa buhay.
Si Shana naman, walang kapaguran! Pagod na kami, nasayaw pa rin siya.
Si Stary medyo ka close ko na, lagi ako inaabutan ng drinks. Pero! Pinapaabot daw ni Maxene.
Argh! Life naman!
Naano tuloy ako sa trabaho ko! Baka pagbalik namin, tambakan ako bigla!
"Akisha, tawag ka ni Ms. Jina."
Choreographer namin 'yon! Bakit kaya?!
Matatanggal na ba ako?!
Agad akong tumayo at dumeretso kay Ms. Jina.
"Hello po?"
"Oh! Akisha! Come here, may pag-uusapan lang tayo."
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at lumapit ako sakaniya.
"Ano po?" Kinakabahang tanong ko.
"About sa steps with Maxene. Kung pwede sana mas uhm, galingan mo. Kasi dapat same kayo ng energy eh."
I nod. 'Yon lang pala eh.
"Also, kung kailangan lagkitan pa ang tingin, lagkitan niyo, dahil dancer ka naman, no issue about that. Don't worry about the fans."
Unbothered nga po ako eh.
"'Yon lang po ba?"
Tumango siya kaya magpaalam na ako.
Whoa! Kaba get out of me!
Pinapasok nila ako sa isang practice room.
HAHAHA. ok, walang hihinang tuhod!
Gagawin nanaman namin ni Maxene 'yong isang performance na kaming dalawa lang, lintek.
"Ok, get ready."
Huminga muna ako nang malalim.
When the music played, she starts singing.
Dahan-dahan kong nilagay ang kamay ko sa bandang leeg niya, pataas sa mukha.
Ih! Nanginginig ata kamay ko.
Magkatinginan pa kami habang kumakanta siya.
"Keep your hands on my face, look at me with a smile. Yeah~ keep me, hug me, hold me so close."
Basta!
Ok na, move on!
Pagkalabas ko sa practice room ay pawis na pawis nanaman ako.
YOU ARE READING
The Idol
Romance(MIKHAIAH) The Idol. Maxene Jade Lim, a famous singer and dancer. Rich and Pretty, pogi, many fans love her. Many fans know that she's BISEXUAL. So fans understand if she date a girl. Akisha Quin Arceta, a normal girl, working in manila. She grew...