Sanaysay

4 0 0
                                    


Mga Tahimik na Sigaw

nvmlt


Kawalan ng boses at kakulangan sa pinag-aralan ang humihila sa mga pilipinong nabaon sa kahirapan. Bakit nga ba mahalagang talakayin ito? Ang mga mamamayang walang sapat na edukasyon ay kadalasang walang sapat na kaalaman at kakayahan upang ipahayag ang kanilang mga hinaing para sa kanilang karapatan. Napaka importanteng na maging mulat dahil dito ay maaring masukat ang kamalayan natin bilang isang mamamayan hinggil sa mga isyu ng lipunan.

Maraming sanhi ang maaring dahilan kunga bakit marami sa mga tao ang hindi naglakas loob na magsalita o lumaban sa kanilang karapatan na magbigay ng mga opinion sa mga isyu. Dahil sa dulot ng kahirapan, hindi na lamang sila nagbibigay ng opinyon dahil takot sila na mawalan ng trabaho, takot na masaktan, o di kaya kawalan mismo sa kaalaman tungkol sa mga karapatang pantao. Humahantong ito sa pagkabigo at pagkakaroon ng limitadong kakayahan sa pakikipagkomunikasyon. Sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos at pagtutulungan, maaari nating mabigyang-lakas ang boses ng bawat isa at mapanatili ang pagkakapantay-pantay at pag-unlad sa lipunan. Kailangan nating kumilos nang sama-sama upang matiyak na ang bawat mamamayan ay may sapat na kakayahan at oportunidad upang ipahayag ang kanilang mga hinaing at panawagan.

Sa batang gulang pa lamang ay hindi na natin maaalis ang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral, magkaroon ng magandang trabaho, at mabigyan ng magandang pamumuhay ang ating mga magulang. Ngunit dahil sa hirap ng buhay ngayon, marami ang hindi kayang makapag-aral dahil sa mga kadahilanang kapos ang mga magulang upang tustusan ang kanilang pangagailangan o di naman kaya mas pinipili nilang magtrabaho kahit sa maliit na sahod para lamang makatulong sa pang-araw-araw na panggastos. Isa pa rito ay madali silang maapi. Kaya't malaking sampal sa mga hindi nakapag-aral na bata o matanda na tawaging "bobo" o di kaya "tanga" ng mga mas may pinag-aralan at nagmamagaling sa buhay. madali para sa mga mas may alam na nakapag-aral na maliitin at asarin sila.

Para matugunan ang isyu na ito, ay mahalagang magbigay ng sapat na suporta sa mga nangangailangan. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng open forum bawat lugar upang marinig ang kanilang hinanaing na hindi lamang ang may pinag-aralan, at may kaya ang dapat pakinggan. Bukod dito, kailangang mabigyan ng oportunidad ang mga indibidwal lalo na ang mga kabataan na magkaroon ng access sa edukasyon at iba't ibang oportunidad sa pangkabuhayan. Ang pagpapalakas ng pagtitiwala sa sarili at pagbibigay ng espasyo para sa representasyon ng iba't ibang sektor ay makakatulong din upang tugunan ang mga hamon na dulot ng kawalan ng boses at kakulangan sa pinag-aralan. Sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos at pagtutulungan, maaari nating mabigyang-lakas ang boses ng bawat isa at mapanatili ang pagkakapantay-pantay at pag-unlad sa lipunan.



nvmltWhere stories live. Discover now