Tula

3 0 0
                                    


Diyamante ng Pag-asa

nvmlt


Sa bawat patak ng ulan

inosente ay di mabilang,

Ang mga anino ng nakaraan,

Naghahanap ng katarungan


Naging sundalo, bata, at matanda,

Sa yugto ng kasaysayan, sigaw ang liwanag,

bansang tinaguriang likas sa yaman,

nabalot sa pulang kadiliman


Mga kweba't silong ng lupa, ay pangil ng karahasan,

Luha ay umaapaw, sa pusong puno ng takot,

Pangarap ng kabataan, sumasayad sa paglaho ng lupa,

Sa digmaang walang humpay, buhay ay nagdusa


Liwanag ay hindi matagpuan, sa binging kapaligiran,

Mag babaeng walang laban, naabuso ng may kapangyarihan,

Bawat putok ng baril, panalangin sinasambit

Kelan kaya makakamit?


Pangarap na kasing taas ng bundok, kayang akyatin

Ngiting nabalot ng puot, muling ibabahagi

Congo ay babangon, ningning ng pag-asa

ay muling matatamasa

nvmltWhere stories live. Discover now