Maikling Kwento

3 0 0
                                    


Sa Aking Mga Palad

nvmlt

Sa isang maliit na bayan ng Cavite, may isang dalagang nagngangalang Nerin. Siya ay simpleng babae, masipag at mapagmahal sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang amang si Mang Rody. Mula nang pumanaw ang kanyang ina, si Neri na ang naging haligi ng tahanan at dahil sa hindi na makapag trabaho ang kanyang ama dahil sa katandaan at nagkaroon ng malubhang sakit sa baga ay sya na lamang ang tanging inaasahan na magtrabaho.

Dahil sa mahal na mga gamot at ospital, nabaon sa utang sina Nerin. Hirap na hirap siyang pagkasyahin ang kita mula sa kanyang trabaho sa palengke. Laging iniisip ni Nerin na ang kanyang sakripisyo ay para sa ikagagaling ng kanyang ama. Kaya't kabi-kabilang loan ang kanyang sinalihan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hinding-hindi niya iniwan ang kanyang ito.

Tuwing umaga, maagang gumigising si Nerin upang magtinda ng mga prutas at gulay sa palengke. Sa tanghali, umuuwi siya para alagaan ang ama, binibigyan ng gamot at pinapakain. Minsan, binibigyan pa niya ng masahe ang kanyang para maibsan ang sakit na nararamdaman nito. Bihirang magkaroon ng pahinga si Nerin. Ang mga kamay nito ay laging pagod dahil sa trabaho sa palengke at pag-aalaga sa kanyang ama. Sa gabi, bago matulog, tinitiyak niyang nakainom na ng gamot si Mang Rody at komportable itong nakahiga. Sa kabila ng kanyang pagod, ang makita lamang ang ngiti ng kanyang ama ay sapat na para magpatuloy siyang lumaban.

Isang araw, dumating sa kanilang bahay si Mera, ang Tiyahin ni Nerin sa poder ng kanyang namayapang Ina, at kasama ang kanyang anak na si Ely. May dala silang magandang balita para kay Nerin.

"Nerin," simula ni Tiya Mera, "mayroon kaming alok sa iyo. May kakilala kami sa Hong Kong na naghahanap ng domestic helper. Hindi madali ang trabaho doon pero malaki ang kita. Pwede mong gamitin ang sahod mo para sa gamot ni Kuya Rody."

Nagulat ni Nerin sa narinig. Sa unang pagkakataon, parang may liwanag na sumiklab sa kanyang puso. Alam niya na kailangan ng mas malaking kita upang maipagamot ng maayos ang kanyang ama. Ngunit sa kabilang banda, hindi niya maiiwan si Mang Rody nang walang kasiguraduhan sa kalagayan nito.

"Huwag kang mag-alala, Nerin," sabi ni na pilit na nagpapaliwanag. "Aalagaan namin si Kuya Rody habang wala ka."

Sa kabila ng mga pangamba, napagdesisyunan ni Nerin na tanggapin ang alok. Hindi biro ang pag-alis para sa isang tulad niyang hindi sanay sa malalayong lugar. Ngunit para sa ikabubuti ng kanyang ama, handa siyang harapin ang hamon.

Sa unang buwan sa Hong Kong, si Nerin ay halos di makatulog sa labis na pag-aalala sa kanyang ama. Siya ay nangungulila at nagdududa kung talagang inaalagaan ng mabuti ng Tiyahin nya ang kanyang ama. Dahil mula noon pa lamang nung nawala ang Ina ni Nerin na si Rita ay alam na nya na mayroong hinanakit pa rin ang Tiyahin sa Ama, sinisisi nila na hindi mawawala ang kapatid nila, kung hindi sila nagtanan at nagpakalayo. Hindi sana mamatay sa hirap ang kapatid nila kung hindi sumama ito kay Rody. Pero inisip naman ni Nerin na baka napatawad na ng Tiyahin nya ang kanyang ama.

Upang maparamdam pa rin ang presensya nya sa ama, sa mga liham at tawag, lagi niyang ipinapaalala sa mga ito na pakiusapan ang ama na si Rody na uminom ng gamot sa tamang oras. Ngunit habang tumatagal ay napapansin ni Nerin na parang mas lalong nanghihina ang ama. Nagtataka sya na sapat naman ang piba nararamdaman niyang may mali.

Isang gabi, nagpadala ng liham ang kanilang kapitbahay. Ikinuwento nito na tinatrato ng Tiyahin nya si Mang Rody na parang hindi kabilang sa pamilya. Patagong hindi binibigyan ng sapat na pagkain at minsan pa'y pinapabayaan sa labas ng bahay kahit malamig ang panahon. Ang mga katagang ito'y bumiyak sa puso ni Nerin. Nangingilid ang kanyang luha habang binabasa ang liham. Agad siyang nagdesisyon na umuwi ng Pilipinas sa kabila ng kontrata sa Hong Kong.

Pagdating niya sa kanilang bayan, tumakbo siya patungo sa kanilang bahay. Dito niya nakita si ang ama, payat at halos hindi makilala. Hindi niya mapigilang umiyak habang niyayakap ang kanyang ama. Galit na galit si Nerin sa kanyang Tiya Mera, ngunit pinilit niyang magpakumbaba para makahanap ng solusyon. Dahil sa nangyari, nagdesisyon si Nerin na bumalik sa Hong Kong at tapusin ang kontrata. Ngunit bago siya umalis, iniwan niya ang ama sa pangangalaga ng isang matalik na kaibigan ng ama na si Aling Nena. Ito ay mabuting tao at napatunayan ni Nerin ang kabutihan at mapagkakatiwalaan ito.

Pagbalik sa Hong Kong, mas doble kayod si Nerin. Pinalakas niya ang loob at nag-ipon ng sapat na pera para sa gamot at hospital bills ng kanyang ama. Sa kabila ng pagod at hirap, hindi siya sumuko. Lagi niyang iniisip ang kanyang ama, at ang kanyang pangarap na makita itong gumaling.

Matapos ang dalawang taon, nakauwi si Nerin sa Pilipinas. Sa kanyang pag-uwi, masigla at malakas na ang amang si Rody. Nagpasalamat siya kay Aling Nena sa pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanyang ama. Napagtanto ni Nerina na hindi lahat ng tao ay maaasahan, ngunit may mga taong handang tumulong ng walang kapalit.

Nagpatuloy si Nerina sa pagtatrabaho at pag-aalaga sa ama. At sa kabila ng lahat ng hirap at sakit, si Nerin ay masaya. Sapagkat natutunan niya na ang tunay na yaman ay ang pagmamahal sa pamilya at ang tiwala sa Diyos. Ipinakita ni Nerin na sa kabila ng lahat ng pagsubok, ang bawat sakripisyo ay nagiging matamis na tagumpay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

nvmltWhere stories live. Discover now