39: Paubaya

960 36 7
                                    

KEIFER

"Order whatever you want. Kahit ano, it's all on me," sabi sa amin ni tito Kris nang maiabot sa amin ng isang serbidor 'yong menu.

Pagkabuklat ko pa lang noon ay bumungad na agad sa akin ang iba't-ibang klase ng pagkain. Inilibot ko ang aking mga mata sa menu. May appetizers, salad, steaks, seafood entrées, pasta and risotto, sides, desserts, cheese course at ang beverages nila na puro wine ang nakasulat. Sa dami nang mga nakita ko ay ang salitang steak at salad lang ang familiar sa akin. Iyong iba kasi ay ngayon ko pa lang nakita kaya hindi ko kilala.

"Nakapili na ba kayo?" tanong sa amin ni tito Kris pero wala ni isa sa amin ang nagsalita.

Natawa siya sa sarili dahil mukhang wala siyang makukuhang sagot mula sa amin dahil wala kami masiyadong alam pagdating sa ganitong klase ng mga pagkain.

"I'll go with Filet Mignon steak, heirloom tomato and burrata salad and a glass of wine," sabi ni tito doon sa nakatayong serbidor sa gilid niya. Isinulat nito ang sinabi ni tito sa hawak na mini notebook at pagkaraa'y tumingin sa amin na para bang hinihintay ang aming mga order.

"Ano sa 'yo kuya Damian?" tanong ko sa lalaking katabi ko.

"Kung anong sa 'yo, iyon na lang din ang akin," sagot niya.

Kinuha na noong lalaking serbidor ang order ni nanay at pagkaraa'y ako naman ang tinanong nito.

"Dalawang Ribeye Steak po," tipid kong sagot sa kaniya.

"Iyon lang ang sa 'yo, Keifer?" takang tanong ni tito.

Ngumiti ako nang alanganin at saka lumingon doon sa serbidor. "May ice cream po ba kayo rito kuya?" nahihiya kong tanong.

Ngumiti siya sa akin at saka kinuha ang menu. Binuklat niya ito at saka itinuro sa akin ang Chocolate Soufflé sa hanay ng mga desserts.

"Ito po sir. That is rich chocolate desert served with a vanilla bean anglaise. Magugustuhan niyo po 'yan," nakangiti niyang sambit sa akin.

Tumango ako sa kaniya bilang sagot.

"You still love ice cream," nakangiting komento ni tito kaya hindi ko maiwasan ang mahiya.

Pasimple akong humarap kay kuya Damian. "Ano pa sa 'yo?" tanong ko sa kaniya.

"Pwede glass of wine rin?" paalam niya sa akin.

Tumango ako dahil hindi naman nakakalasing ang isang baso ng wine.

"Padagdag na lang din po ng glass of wine at isang baso po ng tubig. 'yon lang po. Salamat, kuya," sabi ko doon sa serbidor.

Nagpaalam na ito sa amin matapos makuha ang mga order namin.

Naiwan na kami sa aming lamesa nang umalis ang serbidor na 'yon. Hindi ko maiwasang ilibot ang mga mata sa paligid dahil sa ganda ng buong lugar. Wala masiyadong tao at ang mga nakikita ko ay madalas mga foreigner o hindi kaya'y mayayaman na mga Pinoy. Ang iba ay naka-business attire pa. Mukhang pangmayayaman talaga ang lugar na ito.

Bawat haligi ay gawa sa mataas na kalidas ng marmol. May mga wooden furnitures din na sobrang elegante at pulido sa pagkakagawa. Maraming ornamental plants ang maayos na nakahalera sa bawat sulok ng lugar. Meron ding flower arrangement ang naka-display sa bawat lamesa. Ang bintana ay may magandang klase ng kurtina na bumagay sa puting kulay ng mga pader. May mga nakasabit ding mga makalumang painting sa dingding at makaagaw pansin din ang mga wall lanterns na sobrang ganda pagmasdan. Bawat lamesa ay may nakalawit ding munting chandelier sa itaas kaya maganda ang naging hatid nitong ilaw para sa mga kakain.

Dumako ang aking mga mata sa pianistang tumutugtog sa entablado. Sobrang sarap sa tenga ng piyesang tinutugtog niya. Grabe lang ang lugar na ito! Pulidong-pulido mula sa interior designs, sa ambience at sa performer nila. Sana lang ay masarap ang pagkain nila nang hindi maging scam.

SEKYU 1 (BL) TO BE PUBLISHED UNDER BIBLIOTHEQUE PUBLICATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon