Chapter 1

380 16 0
                                    

Kimberly's POV:

"Hinahamon ako ni Dos, tatanggapin ko ba?" tanong sa akin ni Suzy

"Kung kaya mong talunin, eh di go! Pero pag di mo kaya wag nalang! Tandaan mo Killer ang dala mong codename." Nakasmirk kong sabi

"Kimberly naman eh!" Si Suzy James ang isa sa dalawa kong kaibigan

Tama, dalawa lang ang kaibigan ko.

Anong akala niyo? Porket mayaman na ko marami na kong kaibigan?

Psh. Sana nga ganon ang buhay ko.

Si Suzy James na pinsan ko at si Alex Swanson lang ang kaibigan ko. Paano ba naman pag may gustong makipagkaibigan sa'kin pinapaalam agad ng mga bantay ko iyon kay Mr. Milner at agad niyang pinapalayas.

Oo nga pala, si Mr. Milner ay ang Papa ko. Sanay lang akong tawagin siyang Mr. Milner. Sa hindi ko feel na Papa ko siya eh?! Bakit ba?! -____-

"Hoy Kimberly." Tawag sa'kin ni Suzy.

Buhay pa pala ito?

"Ano nga ulit iyon?" tanong ko. Nakalimutan ko yung pinag-uusapan namin eh

"Si Dos.."

"Ah oo! Iyon! Basta ayokong masira ang image ko noh! Wala pa kaya akong talo!" Sabi ko ng maalala ko na iyong usapan namin

"Whatever. Pagnalaman to ng Dad mo."

"Shhh! Don't say bad words! Suzy naman can't you see na gusto ko ng  ibaon sa limot na isa akong Milner? It's a curse that I can't escape my dear."

Totoo naman kasi.

Dapat ganito.. Dapat ganyan.. Bawal ang ganito.. bawal ang ganyan.. Sa oras na to ito ang gagawin mo.. Ganitong oras ang tulog.. Ganitong oras ang kain.. Blah blah blah..

Para akong robot!

"Nah Kimberly. It's not! Hindi mo lang alam kung gaano ko kagustong maging Milner heiress."

The Heiress is the Killer [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon