Chapter 5

152 7 1
                                    

"Kamusta ang pagging heiress my dear Suzy?" nakangiti kong tanong sa kanya. Alam niyo iyong ngiting nang-aasar? Ganong ngiti ang meron ako ngayon.

"Great! Kaya kong ipagpalit ang lahat maging heiress lang talaga ako." Pagsakay niya sa kalokohan ko. Alam ko namang hindi ko 'to maloloko. Kilalang kilala na ko nito na kaya na niyang basahin ang iniisip ko ngayon.

"You're crazy." Puna ko sa kanya. " Ngayon mo lang yan magugustuhan. Pag nagtagal ka na sa pagiging err. Heiress mo, masasakal ka na."

"Yeah.. Whatever you say.." Sabay irap niya sa'kin. "Ang balita ko, may kaibigan ka na sa university ah?" Bawi niyang tanong sa'kin at saka pinalaruan ang ballpen na hawak niya.

"Alam mo ang lakas ng radar mo noh?"  This time ako naman ang umirap sa kanya at saka lumipat ng upo sa table. Nasa kwarto ko siya ngayon. "Saan mo naman yan nabalitaan?" 

"It must be kanino kaysa saan." Pagtatama niya sa'kin. She's starting to annoy me. 

"Fine. Kanino mo naman yan nabalitaan?" Medyo halata na ang pagkairita ko sa boses ko nang sabihin ko iyon. "Happy?" Dagdag ko pa at saka pinatong yung paa ko sa may upuan sa harap ko.

"Kay Alex. Sila nga daw mismo ang nagpaalam sa'yo eh." Tas bigla siyang lumungkot. "May dapat ba kong ipagselos sa kanila, Kimberly?" This time mahina na iyong pagtanong niya sa'kin. Na para bang napakahirap sabihin nung mga sinabi niya.

Nawala ang pagkairita ko sa kanya at napalitan ng.. Hindi 'to awa eh. More on parang naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Oh yes, ilang beses ko na bang naramdaman ang magselos. Hindi sa relationship ng babae at lalake, kundi relationship naming mag-ama at ng pera niya.Gaya ng sinabi ko noong una, alam ko at nararamdaman kong mas mahal ni Mr. Milner ang pera niya kaysa sa'kin na nag-iisa niyang anak.

"Wala. Wala kang dapat na ipagselos Suzy. Dumami man ang kaibigan ko. Walang papantay sa inyo ni Alex. Dahil bago ko makilala ang mga kaibigan ko ngayon sa umiversity ay kayo muna ang tumanggap at nagmahal sa'kin ng higit sa pagmamahalan ng magkakaibigan." Pagsisigurado ko sa kanya.

Ngumiti naman siya at saka binato ako ng unan ko. "Ang drama mo." Pabirong sabi niya.

Binato ko naman pabalik sa kanya iyong unan. "Sino kaya ang nagsimula?" Natatawa kong asar sa kanya at saka kumuha na ng make-up.

Hindi ako lalandi or what. May laban ako. Nagmamake-up lang ako para hindi ako makilala ng kung sino man. Lalo na't mga gangster pala ang mga kaibigan ko at sila Aldrin.

"Lalaban ka nanaman?" Nasulyapan kong nakatayo si Suzy sa likod ko at pinapanood ako sa salamin na nagmamake-up sa sarili ko.

The Heiress is the Killer [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon