Partner
Fe Cathalina Rivera P.O.V
•••
"Good Morning class!" Bati ni ma'am Elena
Tumayo kami at bumati pabalik. Friday ngayon kaya Filipino ang first subject namin. At si ma'am Elena ang Filipino teacher namin.
" Ngayon ay may ipapa-gawa lang ako. Search on social media, kung ano ang kaibahan ng pamumuhay ng mga kababaihan noon at ngayon. At Ang magiging partner niyo ay ang seatmate niyo, maliwanag?" Sabi ni ma'am Elena.
Agad ko itong sinulat sa likod ng notebook ko. Baka kasi makalimutan ko pa. Tumingin ako kay Prime na naka-tingin lang saakin. Problema neto? Tinaasan ko siya ng kilay' kaya nag-iwas siya ng tingin.
"Partner daw tayo, kaya magsulat at mag-isip kana ngayon" sabi ko habang nagsusulat parin.
"Okay" sabi niya. Nakatingin naman siya ngayon kay ma'am. Na ngayon ay tinuturo na kung ano ang mga gagawin. Buti naman...
"Oo nga pala, eto yung mga notes ko. Pwede mo yan i-copy para hindi ka mahuli sa lessons" sabi ko sabay abot sakanya nung mga notes ko.
Masipag ako magsulat ng mga notes, kaya madami na akong notes na ginagamit ko din kapag nag-re-review ako. I need to study hard, para naman maging proud na sila saakin.
"Are you worried about my grades?" Tanong niya na ikina-hinto ko. Ano raw?
Tumingin ako sakanya ng masama. Kasi kung ano-ano yung pinagsasabi niya. Ako worried sakanya!? Never! Ni hindi nga kami close eh. Siya lang 'tong feeling close.
"Ako? Worried sayo? Hindi ah, sinong nagsabi?" Sabi ko sakanya na ikinatawa niya ng mahina.
"What's funny?" Inis na tanong ko.
"Nothing" sabi niya. Nagpipigil lang siya ng tawa niya. At ako? Nagpipigil na sapakin siya.
Inirapan ko siya at nagpatuloy na ako sa pagsusulat, wala akong pake sa mga taong–ughh nevermind.
__**__
Lunch time na din sawakas. Ang hirap umupo nalang at walang ginagawa. Wala kaming second subject kaya wala kaming ginawa. Nakaka-pagod na uupo ka lang sa loob ng isang oras. Bawal kasing lumabas, tapos wala pa akong kausap. Yung katabi ko naman natutulog. Seriously?
"Sabay ako sa inyo!" Sabi ni Prime habang pinapantayan ang paglalakad ko.
Hindi ko siya sinagot. Hindi naman kasi siya nanligaw, joke! Nagpatuloy lang ako sa paglalakad Hanggang makarating kami sa cafeteria. Nagpa-linga-linga ako at hinahanap ng mga mata ko si Chezell. At ayon, Nakita ko siya kasama ng dalawang babae. New friend? Aw, Sige bounce na'ko.
Hindi ko nalang siya tinawag dahil parang ang saya saya niya. Umorder na ako ng pagkain. Isang burger at orange juice lang ang binili ko. Kailangan ko magtipid, para naman maka-ipon ako at may gamitin sa oras na kailangan ko.
"I want to join you" sabi muli ni Prime na ngayon ay hawak ang mga binili niya.
Umirap ako sabay nang buntong hininga. Tinitignan ko rin kung kamusta na si Chezell. At ayon, hanggang ngayon nagtatawanan parin sila. She had new friend kaya hindi na niya ako pinapansin.
YOU ARE READING
The Last Hope (Last Life) ON-GOING
Casualein this story, a simple girl with a beautiful smile but behind this smile there is a big story that no one can understand. She is the only one who understands herself. almost everyone she trusted left and abandoned her. family that should sympathize...