Chapter II: That's OUR table!

118 3 1
                                    

Julia's POV

Hi there! Musta kayo? haha.. Julia Montes here! 15 years of age. Ka-batch ko lang si Kath, actually kaming lahat.  :D Nandito ako with the barkada sa loob ng sasakyan nila Yen. Papunta kasi kami sa FPU para kumuha ng application for the entrance exam.

Soundtrip lang kami dito tsaka tawanan na din. Ganto kami lagi eh, masaya, makulit. Kaya nga di ko maiwan-iwan 'tong mga 'to eh. Kahit minsan mga pilyo. Hahaha. 

Nag-aasaran lang kami ng biglang magsalita si Manong Jack. 

"Ah, mga maam. Andito na po tayo." Manong Jack.

"Ah, sige manong una na po kami! Salamat po sa paghatid!" Kami yan. :D

"Sige po." Manong. Pinaandar na nya yung sasakyan at bumalik na sa bahay nila Yen.

Actually dala-dala namin mga instruments namin ngayon. Magpapa-customize daw kasi kami para astig! Hahaha... Buti pa yung drummer drum stick lang yung dala.  -_-

"Tara guys! Punta tayo sa Dean's office. Dun daw kukuha ng application form tsaka reviewer." Kath. Kaya ayun. Nauna sya at sumunod kami.

Memorize na kasi ni Kath 'tong school eh. Dito kasi nag-aaral ang mga pinsan nya noon kaya lagi syang sumasama pag may mga events.

Nung nakarating na kami sa teacher's lounge, hinanap namin yung Dean's Office. Ang sabi naman nila direcho pa daw.

Sa wakas! nakita na din namin. Hahaha. :D

"Sino mauunang pumasok?" Yen.

"Ikaw!" sabay naming sabi. hahaha. Ganyan talaga kami.. Si Yen nalang lagi. Sya kaya pinaka matanda samin. One year ahead sya pero sumabay sya samin nung nag kinder kami.

Pumasok na si Yen. Maya-maya pa lumabas sya...

"Pumasok daw kayo. Bakit? Ako lang kukuha ng reviewer? Ako lang?" Yen. Pumasok naman agad kami at pina-upo nya kami sa sofa dun sa loob ng office. Alangan naman sa labas diba? Pinapasok nga kami eh. Hahaha loko lang..

"Good morning po sir." Kami yan. Ang gagalang eh. Noh? Hahaha XD

"Good morning din. :)" Dean. Bati nyang pabalik samin sabay ngiti.

When Our Music Collides (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon