Deejay's POV
Patuloy pa din sa pangungulit si Zharm sakin ng may biglang nagsalita sa likod ko. liningon ko naman sya at nakita ko si...
"Wow ha?! May chix ka din pala? Ang pangit mo para magka girlfriend! hahahaha" Kath
"Eh bakit? Selos ka?! Hahahaha" Ako.
"Ba't naman ako magseselos?" siya
"Oo nga noh? Bakit ka nga naman magseselos? Hmmm.. Ay alam ko na! Kasi may hidden feelings ka para sa'kin! Oh ha?" pang-asar kong sagot sakanya. Alam ko namang wala eh pero di naman imposible mga sinasabi ko!
"Ha! Asa ka naman noh! Hangin mo lang yan!" sagot naman nyang pabalang sa'kin.
"Sus! Hangin daw. Eh totoo naman!" sagot ko naman sakanya.
Sasagot na sana sya kaso sumingit na naman si Zharm.
"Ehem! May tao po dito! And excuse me MISS! Kasi sa pagkaka-alam ko ako ang kasama ni Dj at hindi IKAW!" sabi nya habang tinuturo pa si Kath
"Sus! Ok lang, sa'yo na yan si Padilla! Wala naman akong interes sa kanya eh. Oh, una na 'ko ha? See you nalang mamaya at maghanda na ka'yo kasi KAMI ang mananalo! Ciao ;)" sabi nya sabay alis na sa harapan ko este namin pala.
"Hay! Buti naman at umalis na ang babaeng yun!" biglang salita ni Zharm at tumabi sa'kin.
"Alam mo miss, ang epal mo kahit kelan." akmang babatukan ko 'to kaso dumating na yung mga ever supportive and loving friends of mine. Sus, dumating pa kayo eh. -_-
"Hi! Miss, hihiramin lang namin si Daniel ah? Punta pa kaming gym eh." Seth. Anong hihiramin? KUKUNIN DAPAT! May balak ata kayong ibalik ako sakanya ah -_-
"Anong hihiramin? Para namang ibabalik nyo ko sakanya!" sabat ko naman.

BINABASA MO ANG
When Our Music Collides (KathNiel)
FanfictionThis is a story about two bands. Nagkaroon sila ng kani-kanilang plano para manalo pero di nila aakalain na mahuhulog pala sila sa kanilang mga patibong. Ano kayang mangyayari sakanila after that? May mabubuo kayang LOVE TEAMS?