Lester's POV
Lunch break na namin ngayon, and guess what? Kasama naming kumakain 'tong limang babae. Alam nyo naman siguro kung sino yung tinutukoy ko diba? Yung P.I. malamang. Mukhang seryoso talaga si Dj sa gagawin nya eh, pero ok din naman silang kasama. Makulit din.
"Siya nga pala, free ba kayong lahat this saturday?" pagtatanong ni Dj sa kalagitnaan ng pagkain namin
"Oo, free ako. Wala namang gagawin eh." Kath
"Oh, kayo?" Tanong ulit ni Dj samin.
"Oo free ako sa saturday. Bakit?" Sabi ko
"Outing sana tayo, isang araw lang naman eh. EK, beach, pwede din namang gumala." Dj
"Eeeh, sorry di siguro ako makakasama kasi may family reunion kaming pupuntahan eh." Grey
"Oo nga, kami din. May lakad kami ng parents ko sa saturday." Seth
"Ediii, kami nalang. Ano guys? Game kayo?" Dj
"Sure free ako sa saturday." Julia and Jc
"Kami din! Free :D" Katsumi and Ckyth
"Ako din free ako! :))" Sabi naman ni Yen
"Oh, sooo si Seth at Grey lang pala yung di makakasama satin sa weekend?" Dj
"Oo nga eh. Pero ok lang na di ako sumama, may next time pa naman eh." Grey
"Nga naman. Di pa naman 'to yung huling outing eh kaya ok lang naman." Seth
After naman nun eh tahimik na kami lahat at bumalik na pag kain. Ang haba nga nung break namin eh, 1 hour and 20 minutes. Ng matapos na kami sa business eh napagpasyahan na muna namin na manatili nalang sa cafeteria dahil wala din naman kaming gagawin.
"Ano bang magandang topic? Nababagot na 'koooo!" Sabi ni Kats na nakatalumbaba pa at naka pouty lips
"Hoy Kats! Wag ka ngang mag-pout, di bagaaaay! Nakakakilabot! Mwahahaha." Jc habang dinuduro-duro pa si Kats at tinatawanan. Loko talaga
"Heh! Huwag ka nga JOSE!" Kats.
"Opsss! Baka mag-away pa kayo eh. " Seth
"Di naman! Labs ko naman 'tong si Jose kahit papano eh. Hehe ^_^" Katsumi sabay akbay kay Jc
"Kaw talaga Kats! Wag mong sabihing nababakla ka na ha???" Jc
"Oy! Di ah! Walang talo-talo pre. Nako pag ako nabakla ilalambitin ako ng tatay ko ng patiwarik!" Katsumi. Nagtawanan naman kami sa naging reaction nya.
*Riiiing* *Riiiing*
"Oh, tapos na agad ang break time? Tsss, english time na! Balik na tayo guys, may activity tayo diba?" Yen
"Oo nga pala noh? Yung talk show diba yun?" Julia
"Oo yun 'yon! Kaya tara na." Kath
Kasabay naman nun ang pagtayo namin dun at dumirecho na classroom. Klase na naman -_- O siya, bye muna guys!
----------------------------------------------
Sorry ngayon lang ulit na update! :) thank you pala sa 1,145 reads! thank you thank you lahat! mwaaah

BINABASA MO ANG
When Our Music Collides (KathNiel)
FanfictionThis is a story about two bands. Nagkaroon sila ng kani-kanilang plano para manalo pero di nila aakalain na mahuhulog pala sila sa kanilang mga patibong. Ano kayang mangyayari sakanila after that? May mabubuo kayang LOVE TEAMS?