Chapter 1

146 6 0
                                    

==Prologue==

Sa isang madilim na kwarto na nasisinagan lang ng liwanag ng buwan ay nakaupo ang isang babae sa harap ng isang napakalaking portrait. Panay ang iyak nito at inom ng alak habang kinakausap ang magandang babae sa larawan.

"Bakit mo kasi ako iniwanan agad, Anda? Paano na ako ngayon? Bumalik ka lang ulit sa akin mahal ko, pangako hinding-hindi na kita muling pakakawalan pa." Iyon ang huling mga sinabi ng babae bago ito nawalan ng malay dahil sa sobrang kalasingan.

==Chapter 1==

Napasukan ni Devi ang kwarto ng kapatid niyang si Lookkaew na walang kaayusan ang halos pahiga na nitong pwesto sa single sofa na nakaharap sa napakalaking larawan ng asawa nito na kamamatay lang. Binuksan niya ang mga bintana upang makasingaw naman kahit paano ang mabahong amoy ng kwartong iyon. Nagsimula na din siyang magligpit ng mga kalat doon na karamihan ay mga lata at bote ng mga alak at saka mga upos ng sigarilyo.

Nang makapaglinis siya at maihanda niya ang mga pagkaing dala niya ay saka lamang niya ginising ang kanyang kapatid.

"Hoy! Lookkaew, gumising ka na dyan at maligo ligo ka na at ng makakain na tayo... Dahil kung hindi ka tatayo diyan ay kakaladkadin talaga kita patungong banyo! Wag mo kong susubukan! Kilala mo ako! " Pagalit talaga ang tono niya upang mapasunod niya ito.

Sumunod naman na nga ito. Tumayo na ito at naglakad patungong banyo na animoy zombie. Ipinaghanda na niya ng bihisan ang kapatid at dinala na din niya iyon sa banyo. Napasukan niya si Lookkaew na nakaupo sa tiles na sahig habang yakap ang tuhod at iyak ng iyak na naman. Nakabukas ang shower pero hindi naman ito nakatapat doon.

Naaawang nilapitan niya ito atsaka niyakap at inalo. Mahal na mahal talaga nito ang hipag niyang si Anda kahit pa nga ayaw na ayaw niya doon para sa kapatid niya. Inaway talaga siya noon ni Lookkaew ng tutulan niya ang balak na pagpapakasal diumano nito sa hitad na babaeng iyon. May dalawang taon yata silang hindi nag-usap pero siya din naman ang hindi nakatiis dahil ito na lamang ang nagiisa niyang kamag-anak sa mundong ibabaw kaya naman nakipag ayos na siya dito at pinakisamahan na lang niya si Anda na noon ay asawa na nga nito.

"Tama naman na ang kakaiyak mo, Lookkaew. Patay na ang asawa mo at kailangan mong tanggapin at ituloy mo ang buhay mo!"

"Hindi ko kaya, Ate. Mahal na mahal ko si Anda! Kung wala na talaga sya ay mabuti pang mawala na din ako! Sasama na ako sa kanya!" Panay panay pa din talaga ang pag iyak nito.

Kahit labag sa loob niya ay sinampal niya ito. "Iyan ang wag na wag mong gagawin! Dadalawa na nga lamang tayo ay iiwanan mo pa ako ng dahil na naman sa babaeng iyon!" Umiiyak na din ako.

May katagalan din kami doon sa banyo na nag iyakan na magkapatid bago ko siya niliguan pati ang sarili ko.

Pinilit ko din na pakainin ito kesihodang sinubuan ko na ito makakain lamang.

Napagdesisyunan ko na isama na lamang muna ito sa bahay ko dahil matapos kung marinig ang mga sinabi nito kanina ay natakot na ako na baka nga maisipan nito na magpakamatay. Hindi niya naman ito madadaluhan kaagad dahil bukod sa may trabaho siya ay napakalayo din ng bahay nito sa bahay niya.

Ayaw pa nga nitong sumama sa kanya dahil ayaw daw nitong iwanan ang bahay nito at si Anda pero pinilit niyang talaga ito at pinangakuan na lagi naman silang bibisita doon. Katagalan ay napapayag na din naman niya ito.

Her face is yours and so is my heartWhere stories live. Discover now