Mos' pov
Bakit kaya ng makita ko ang hipag ni Devi ay parang bigla kong nakita at naalala ang asawa kong si DD? Isang taon na mula ng layasan nya kami ng anak ko at kahit lahat na ay ginawa ko hindi ko pa rin siya matagpuan. Para bang bigla na lang siyang naglaho dito sa mundong ibabaw! Posible nga kaya na nagpapalit siya ng mukha at nag iba ng identity para hindi ko sya mahanap? Naputol ang pag iisip ko ng may kumatok.
"Tuloy!"
Pumasok ang tao na inupahan ko upang imbistigahan ang mag-asawang Lookkaew at Anda. Inabot sa akin nito ang isang folder at ng buklatin ko ay wedding photo nina Lookkaew at Anda ang bumungad sa akin at sa sunod na pahina ay marriage contract na galing pa sa Thailand. So totoo nga pala na mag-asawa ang dalawa. Pero bakit hindi ako kumbinsido kahit heto at hawak ko na nga ang mga pruweba na hinahanap ko.
"Ayon sa mga napagtanungan ko po, Gov ay hindi daw maganda ang unang dalawang taon ng pagsasama ng dalawang iyan dahil may kabit daw po iyong Anda."
Pero bakit nung makita ko naman sila noong isang araw ay mukhang ayos naman ang pagsasama nila.
"Tapos po last year nagreport po iyang si Lookkaew na nacarnap daw ang kotse niya at ng matagpuan iyon sa may Lipa ay ang kabit ni Anda ang sakay niyon, patay na. At ng buwan din na iyon ay lumipad pa Thailand ang mag asawa at kababalik lang po nila. Wala pa silang isang buwan dito sa Pilipinas."
Pakiramdam ko ay may kulang sa mga reports na ito e, hindi ko lamang talaga matukoy kung ano.
"Iyan na ba lahat ang nakalap mo?" Paniniguradong tanong ko.
"Opo, Gov."
"Makakaalis ka na! Ipapadala ko na lang sa account mo ang kabuuan ng napag-usapan natin."
Pagkalabas nito ng silid-tanggapan niya ay muli siyang nahulog sa malalim na pag-iisip tungkol sa hipag ng Assistant nya na muling nagpaalala sa kanyang nawawalang asawa.
.
.
.Kinabukasan ay napagpasyahan niyang iwan ulit sa bahay ni Devi ang anak niya. Gusto niya kasing makita ng ayos ang interaction ni Anda at ng anak niya. Hindi na muna niya pinapasok si Devi dahil sabi niya ay ito nga muna ang mag-asikaso kay Mawin. Pero base sa mga kuha ng camera na sadya niyang ipinalagay sa kwintas na suot ng anak niya ay palaging si Anda lamang ang kasama nito at kalaro. Sa oras ng pagkain ay sinusubuan din ito ni Anda at ng patulugin naman ay tinabihan din nito si Mawin.
"Masaya ka ba na napapadalas dito ang anak mo?" Tanong dito ni Lookkaew ng pumasok sa kwarto.
"Oo. Sana lagi na lang siyang ipahibilin ni Mos dito para lagi kong siyang makasama at maalagaan." Sagot naman ni Anda. Na sa palagay niya ay hinahaplos ang ulo ng kanyang anak na natutulog.
Kumpirmado na nga na nagpapalit ng mukha at gumamit ng ibang identity ang kanyang asawa na si DD. Ang hindi lamang niya maintindihan ay kung nasaan na ang totoong Anda na may-ari ng mukha na ginagamit ng kanyang asawa. Impossible naman kasi na pumayag iyon na ipagamit ang mukha at katauhan niya sa ibang tao. Pero wala na siyang pakealam doon, basta ang mahalaga ay natagpuan na niya ang asawa nya na inaangkin na ngayon ng iba at ng isang babae pa! Naikuyom niya ng maigting ang kanyang kamao. Pero maya-maya ay humulma ang isang ngisi sa labi nito.
"Sulitin ninyo na ang mga araw na ito na magkasama kayong dalawa, dahil nalalapit na ang paghihiganti ko sa inyo. Ikaw Lookkaew ay sa pagpapalit ng mukha at sa pag angkin sa asawa ko! At ikaw naman DD o Anda ay sa pag iwan sa amin ng anak mo!" Tiim-bagang at matalim ang mga mata na sabi niya sa screen kung saan nakangiting nakatingin sa isat-isa ang dalawang babae na pinagbabantaan niya.
.
.
.
.
.Anda's pov
"Labas naman tayo, Lookkaew. Ipasyal natin si Mawin.... Pwede naman siguro yun no, Devi." Sabi at tanong ko sa magkapatid.
YOU ARE READING
Her face is yours and so is my heart
FanfictionIsang plastic surgeon si Lookkaew at kamamatay lang ng kaisaisang babae na minahal niya at hindi niya matanggap iyon. She's so devastated to the point na hindi na niya gustong mabuhay. Sa takot ng kapatid niya na baka may gawin siyang hindi maganda...