Chapter 4

49 3 0
                                    

Lookkaew's pov

Pinagmamasdan ko si Anda habang kalaro nito ang anak ng dati nitong katauhan. Malalaki ang mga ngiti nito at halata din naman na kumportable dito ang bata.

"Enjoy na enjoy kayo, ah." Sabi ko ng lapitan ko ang mga ito.

Buhat ni Anda ang bata.

"Ang gwapo nya kamukha siguro siya ng Mommy nya." Puri ko sa bata pero nakatingin ako kay Anda. "Mawin, where is your Mommy?" Nakatingin pa din ako kay Anda.

"Dead!"

"Who said that your Mommy is dead?" Tanong ko ulit.

"Grandma and Daddy."

"Do you want to have a new Mommy?" Nakangiti at excited itong tumango-tango. "Then you can call us Mommy Lookkaew and Mommy Anda." Turo ko sa aming dalawa.

"Really I can have two Mommies?"

"If you want to." Sagot ni Anda.

"Yes! Yes!" Tuwang-tuwa na humalik ito sa pisngi at yumakap pa sa leeg ni Anda.

Nag mouth ng 'thank you' sa akin si Anda. Tinapik ko lang naman ito sa balikat at hinimas ko din saglit ang likod ni Mawin at saka iniwan ko na ulit ang mga ito para magkaroon ng alone time.

Devi's pov

Kasama ko si Gov ngayon dito sa bahay ko dahil susunduin na nito ang anak na ipinahabilin sandali sa amin. Si 'Anda' ang nagbukas sa amin ng pinto. Karga nito ang anak ng Amo ko. At hindi nakaligtas sa akin ang pagkagulat at bahagyang takot na rumehistro sa mukha nito.
Napatingin naman ako sa amo ko at titig na titig din ito kay 'Anda'. May bahagya pang kunot sa noo nito.

"Gov, sya nga po pala si Anda hipag ko. Asawa po sya ng kapatid ko. Anda, ang amo ko si Gov. Mos." Pakilala ko sa dalawang hindi naaalis ang titig sa isat-isa.

"I thought babae ang nag-iisa mong kapatid." Sabi ni Gov na nakatingin pa din kay Anda.

Bigla namang sumulpot si Lookkaew at inakbayan nito si Anda.

"Nice meeting you po, Gov. Ako nga po pala si Lookkaew, bunsong kapatid po ni Ate Devi." Inilahad nito ang kamay sa amo ko na tinanggap din naman agad nito. "At gaya po ng pakilala sa inyo ng Ate, ito po ang asawa kong si Anda. We are married for almost three years na din po sa Thailand." Nakangiti at halatang proud na sabi ng kapatid ko.

"I see." Tumango-tango naman ang amo ko. "Good for the both of you. So, do you have kids?"

"Wala pa po, Sir. Kaya wag ninyo po sanang mamasamain kung masyado kaming giliw na giliw sa anak ninyo. Lalo na po itong asawa ko. Pinag-iipunan pa po kasi namin ang magiging anak namin. Di ba, Mahal." Baling nito kay Anda.

"H-ha? Ahh, tama po. May kamahalan din po kasi ang pagkakaroon ng anak sa mga kagaya namin." Saglit na nagulat si Anda pero agad din naman nitong na compose ang sarili.

"Paano po, Gov? Tumuloy na muna po kayo at dito na kayo maghapunan ni Mawin. Tiyak na may naluto na po si Atom." Alok ko sa Boss ko pero nananalangin din naman ako na sana ay hindi nito paunlakan ang paanyaya ko.

"Hindi na siguro, Devi. Maybe some other time. Masyado ko na kayong naabala sa paghahabilin ko dito sa anak ko." Ang sabi nito saka kinuha na kay Anda ang bata.

Kita ko na bahagyang napa-igtad si Anda ng magkadikit ng hindi sinasadya ang mga parte ng katawan nito at ni Gov. ng pagpasahan nila ang pagbubuhat sa bata. Agad naman itong pinayapa ng kapatid ko.

"Paano, Devi. Tutuloy na kami. Salamat sa inyo Lookkaew at Anda." Pamamaalam nito at muli pang tumitig sa 'hipag' ko bago tuluyang umalis.

Rinig ko ang may kalakasang pagbuga ng hangin ni Anda ng tuluyan ng umalis ang Amo ko.

"Pasok na muna ako sa kwarto, ha Lookkaew." Paalam nito sa kapatid ko. Tumango din ito sa akin. Na tinanguan ko lang din.

"Sige, tawagin na lang kita pag kakain na tayo." Sabi ng kapatid ko bago ito nagtungo na sa kusina.

Sinundan ko naman agad ito matapos kung isara ang pinto.

"Magsabi ka nga ng totoo sa akin, Lookkaew!"

"Ano ba yun, Ate?"

"Si Anda ba ay si Ms. DD na asawa ng Boss ko?"

"Anong sinasabi mo dyan?"

Halata ko na nagmamaang-maangan lang ito habang naghahain.

"Si Ms. DD ang nawawalang asawa ni Gov. Siya si Anda. Tama ako di ba? Wag mo na akong pagsinungalingan, Lookkaew! Alam mo bang sa ginawa mo sa asawa ng Amo ko ay pwedeng-pwede ka nilang ipapatay!"

"Bakit sino lang ba naman ang nakakaalam ng ginawa ko? Isusumbong mo ba ako, Ate?" Humarap ito sa akin. At hindi man nito kinumpirma ang mga sinabi ko ay para na din itong umamin na totoo nga iyon base sa mga imikan nito.

"Dyosko! Lookkaew! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo! Puro na lamang gulo ang mga pinapasok mo!" Frustrated na ginulo ko na lang ang buhok ko.

"Hayaan mo na lang kami, Ate. Sisiguraduhin ko na hindi ka madadamay sa mga gulo na pinapasukan ko." Anito saka tinalikudan na ako at iniwanan doon sa kusina.

.
.
.

Lookkaew's pov

"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Anda. Na nakaupo at nakabalot ng kumot sa ibabaw ng kama.

"Si Mos! Natatakot ako sa kanya!"

Nilapitan ko ito at niyakap. Ramdam ko ang bahagyang pangangatal ng katawan nito.

"Hindi ko naman hahayaan na masaktan ka niya ulit. Kaya wag ka ng matakot. Gusto mo ba bumalik na tayo sa Maynila o kaya sa Thailand?"

"Pero paano ang anak ko? Gusto ko na malapit lang ako sa anak ko. Ayoko ng muling mawalay sa kanya. At kung sakali na aalis ulit tayo gusto ko ay kasama na natin siya."

"Sa ngayon ay mahirap iyang gusto mo. Pero wag kang mag-alala. Gagawan ko iyan ng paraan, pangako ko iyan sayo. Makakasama mo din ulit ang anak mo."

Tumingin ito sa akin na tila binabasa ang katotohanan sa mga sinabi ko, bago ito yumakap ng mahigpit sa akin.

Her face is yours and so is my heartWhere stories live. Discover now