Devi's pov
May ilang linggo na rin na nakatira sa bahay ko ang kapatid ko at si 'Anda'. Inoobserbahan ko silang palagi tuwing nasa bahay ako at masasabi kong mas gusto ko yata itong 'Anda' na ito kaysa doon sa dati. Ang 'Anda' ngayon ay maalaga at napakamaalalahanin sa kapatid ko. Hindi kagaya ng dating Anda na kaliwa't-kanan na nga ang mga babae at lalaki ay napaka insensitive pa at para namang hindi talaga minahal noon ang kapatid ko.
FLASHBACK
Year 2022
Hindi ako makapaniwala na gustong pakasalan ng kapatid ko ang babaeng kakikilala lamang nito at galing pa sa isang strip club.
"Nababaliw ka na ba, Lookkaew? Hinayaan na kita sa gender preference mo, pero sana naman pumili-pili ka ng babaeng gugustuhin mo! Baka mamaya mo pera mo lang ang habol sayo ng babaeng yan!" Hindi na ako nag abala na makipagplastikan sa babaeng kasama nito dahil bago pa nito dinala dito at ipakilala sa akin ito ay napaimbistigahan ko na ito at puro negatibo ang nakalap ng inupahan kong PI.
"Ate, buo na ang pasya ko. Pupunta kami ni Anda sa Thailand sa susunod na linggo at kahit tumutol ka pa ay pakakasalan ko siya."
Matigas talaga ang paninindigan ng kapatid ko. Tiningnan ko ang babaeng ipinaglalaban nito sa akin. Mukhang bored na nakatayo lang ito at parang walang pakealam sa pinaguusapan naming magkapatid. Nagseselpon lang ito at panay pa ang maingay na pagnguya ng chewing gum.
"Ito talagang babae na ito ang gusto mong pakasalan?" Hindi naman sa pamumula pero talagang ang pangit ng impression ko sa babaeng ito. "Lookkaew, hindi kita pinag-aral para lang magpakatanga ka sa ganitong klase ng babae!"
"Anda ang pangalan nya, Ate. At kung lalaitin mo lang sya ay aalis na lang kami. I don't want to be an ungrateful sister to you pero hindi ako papayag na pagsalitaan mo ng hindi maganda ang babaeng pinakamamahal ko!"
"Bahala ka! Pero oras na umalis ka dito sa poder ko at itinuloy mo ang pagpapakasal sa babaeng iyan ay kalimutan mo ng may kapatid ka!"
"Sorry, Ate." Iyon lang at hinawakan na nito ang kamay niyong babae at umalis na nga.
.
.
.That was two years ago at ngayon ay heto ako at nag aalangan na kumatok sa bahay ng kapatid ko dito sa Maynila. Alam ko na ako ang nagsabi na magkalimutan na kami pero sya nalang ang nag-iisa kong pamilya kaya gusto ko ng magkaayos na kami ulit.
Pinindot ko na nga ang doorbell at sakto na si Lookkaew ang nagbukas. Saglit kaming nagtitigan at ng ngumiti na ako ng bahagya ay yumakap na ito sa akin. Sobra ko itong namiss.
"I'm sorry!" Panabay na sabi namin kaya nagkataawanan kami bago bumitaw sa yakapan.
"Mahal, pahinging pera at aalis muna ako."
Walang pasintabi na singit sa amin ni Ava? Ada? Ara? Ah, ewan. Ni hitad na lamang.
Inabutan nga ito ng ilang lilibuhing papel ng kapatid ko at ng hahalik sana si Lookkaew dito ay kita kong umiwas ito saka umalis na nga. Ni hindi man lang nga ako pinansin.
Totoo nga pala ang mga inirereport sa akin ng PI na may dalawang taon ko ng binabayadan para bantayan ang kapatid ko lalo na ang babaeng pinakasalan nito. Isa rin iyon sa dahilan kaya ginusto ko ng makipag-ayos kay Lookkaew dahil naaawa na ako sa kapatid ko at umaasa din pati ako na sana ay hindi totoo ang mga inirereport sa akin ng PI tungkol sa miserable daw na buhay ng kapatid ko sa piling ng babaeng kinababaliwan nito.
"Saan ang punta niyong asawa mo?"
"Pasensya ka na, Ate kung hindi ka na napansin ni Anda. Nagmamadali lang talaga iyon."
YOU ARE READING
Her face is yours and so is my heart
FanfictionIsang plastic surgeon si Lookkaew at kamamatay lang ng kaisaisang babae na minahal niya at hindi niya matanggap iyon. She's so devastated to the point na hindi na niya gustong mabuhay. Sa takot ng kapatid niya na baka may gawin siyang hindi maganda...