Day Zero: Sign ni Lord (1)

182 11 49
                                    

"Dadating ba?"

"Hindi."

Napabuntong-hininga ako ro'n. Parang may mabigat na hollow block sa puso ko na naiangat nang maayos. "Buti naman."

Ngiwi ang matik na reaksyon sa mukha ni Benben. "Maniwala," ang sumunod, dahilan para ibalik ko sa kaniya iyong ngiwi na ibinigay niya sa akin. Mas lalong gumusot ang mukha niya ro'n. "Ang arte mo naman, Ate! Gusto mo dumating si Father, 'di ba?"

Agad akong umiling. With all of my heart. Kaso, hindi siya kumbinsido; umirap lang nang todong-todo at bumalik sa Google Sheet na ilang araw na niyang tinututukan. Hindi na 'ko nakipag-boxing match sa kaniya ng hindi nga, hindi nga, hindi ever! dahil alam ko naman na wala nang point. Sasabihan niya lang ako na maarte.

One thing I've learned through the years is that pagdating kay Erik na negative, wala nang naniniwala sa opisinang 'to. Kapag sinabi ko na ayaw ko na, ang translation sa kanila ay hindi, gusto mo pa! Kapag prinoclaim ko naman na moved on na ako, ang translation sa kanila ay deh, hindi, patay na patay ka pa rin do'n! May sarili na talaga silang paniniwala sa buhay, at mahirap-hirap nang sirain 'yon. Magsasayang lang ako ng laway kakadepensa sa sarili ko.

Pero truly, madly, deeply-at kahit kidlatan man ako ng Diyos ngayon-ay ayaw ko talaga dumating si Rocasolano sa training na 'to. Masaya talaga ako no'ng nalaman ko na hindi siya kasama sa staff niya. At peace naman ngayon na confirmed na confirmed na talaga.

Obvious naman ang mga rason. Una, siyempre, andito si Costancio Quimbo the III na number one bully ko pagdating kay Erik. Malamang sa malamang, hindi tatahimik ang isang 'yon hangga't hindi niya ako nakikita na may luha sa mga mata at nagmamakaawa na sa sahig na tumigil siya. Ginagawa niya atang full-time job sa buhay ang asarin ako; part-time lang ang pagiging media person niya.

Ikalawa, kumpleto rin ngayon ang Communications Triplets (Val, Emong, at Pedri). Hindi ko alam kung bakit walang field ang mga hinayupak na 'to, e for the past months ay hindi naman sila nakukumpleto. Di-malas ko lang talaga sa buhay dahil iisa lang ang brain cells nila, at synched pa kay Quimbo, kaya dadami na naman bullies ko. Apat na hinayupak ang magpapahirap sa akin the entire week; idagdag na rin ang occasional stares at pang-aasar ng lahat ng staff na nakakaalam. Hindi man sila active bullies, ay bullies pa rin sila. Same essence.

Sa madaling salita, wala akong kakampi sa Lipa ngayon. Kaya mainam na wala siya.

Third and last-ayoko lang talaga siya makita.

Sino ba naman ang gusto siyang makita? Ilang linggo na kaming hindi nag-uusap. Natapos ang huling usapan namin sa pagkapikon ko sa kaniya dahil pi-nu-push na naman niya ako na makipag-date sa mga walang kuwentang tao. Hindi ko masabing asar ako sa kaniya at nakaka-offend (sa puso ko) 'yong huling message niya, kaya hindi ko na lang siya ni-reply-an. Swak na seen. At siya naman, bilang tunay na Libra, ay hindi na rin sumagot. O nakipag-interact. Work-wise man o personal. As in, wala talaga.

First week, histerikal pa lahat ng Department ko. Nag-wi-withdrawal. Naghahanap ng shabu. Lahat ng empleyado ay walang ganang pumasok, at halos lahat ng units ay gusto na lang mag-sick leave kahit wala namang sakit. Sa sobrang lala ng withdrawal, kahit 'yong Anti-Erik Department, hinahanap na rin si Erik.

Masiyadong nag-manifest siguro ang dysfunction sa sistema ko dahil sa linggong iyon ay naging banayad ang opisina. As in, literal na opisina ng ILDS. Walang nangahas na mambully sa akin. Walang humingi ng overtime. Walang trabaho na hindi lusot sa job description. Medyo mabait din ang staff, lalong-lalo na 'yong Comms na ilang beses akong nilibre ng siomai at kwek-kwek. Kulang na nga lang ay halikan nila 'yong daan na nilalakaran ko. Mga hayop. Kaya naman pala nilang maging mabait sa akin.

CrumbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon