Day Zero: Sign ni Lord (End)

213 8 25
                                    

KUNG HINDI pa siguro ako sinapok ni Sister Bernadette ay hindi ako mawawala sa dagat na lumunod sa utak ko. Simula kasi nang mag-ring ang alarm ng lahat at mapagtanto ko na nakatingin na sa akin si Erik Rocasolano, wala nang nag-register sa utak ko.

Kumbaga, parang may bagyo na dumaan sa Aia Area of Responsibility--masiyadong malakas, masiyadong marami ang dalang tubig--kaya binaha ang lahat ng departments. Nalunod saglit ang mga empleyado. Halt Operations muna sila.

"Sa susunod, ha, bawal uminom do'n!" pagpapagalit ni Sister sa amin. Amin pala, dahil lahat kami na nasa terrace kanina, nahuli niya, just a few minutes after the shouting fiasco.

Masiyado palang napalakas ang kasiyahan ng mga tao sa terrace, kaya nagising ang madre na mahimbing na ang tulog sa basement. Sigurado ako na rinig din 'yon ng mga naglalasingan sa session hall. Kung sa kalsada nga ay rinig na rinig, ano pa kaya sa baba? Malaking eskandalo na pala ang ginawa namin.

Isa-isa kaming humingi ng dispensa kay Sister, at nang mapatawad naman ay nagdesisyon na tapusin na ang katarantaduhan namin do'n. Si Annie at Clare, nagdesisyon na pumunta na lang sa Session Hall para makiinuman sa dioceses (dahil hindi pa pala tapos ang Socials; malayo pa sa pagtatapos). Ang Comms naman ay wala na raw sa mood na uminom pa, kaya didiretso na lang sa tulog. Si Annette ay tatambay na lang daw sa reception dahil bibistahin siya saglit ng kalandian niyang on-call.

Pero si Cos, naiwan pa sa harap ko--sa lounge.

"Hindi ka ba iinom sa baba?" tanong niya nang magsialisan na ang iba.

"Iyan dapat ang tanong ko sa 'yo," napairap ako. "Ando'n si Annie sa baba, kaya bumaba ka na rin."

"Ikaw muna," napangiwi ako nang mapagtanto na hindi niya di-neny na susunod siya kay Annie. Ang hinayupak na 'to. Feeling ko talaga may something na sa kanila. "Bababa ka pa do'n? O matutulog ka na?"

Sa totoo lang, may parte sa sarili ko na gusto na lang din bumaba sa Socials Evening para makainom to my heart's content, dahil hindi ko alam kung anong katarantaduhan talaga ang nararamdaman ko ngayon. But then again, p'wede ko naman siguro itulog ang lahat ng 'to, ano?

Dahil mukha mang pantitrip lang ang paghingi ko ng senyales sa Diyos kanina, totoong-totoo ang kahihitnanan no'n. I might have looked silly, but in those few minutes, it was an honest request to Him for a sign.

Kung hindi dumating si Erik, ipagpapatuloy ko na kung ano man 'yong nasimulan ko a few weeks ago.

Kung dumating siya, then... I should probably allow myself to wallow in this miserable situation.

Pero dumating nga siya. At the same time, the circumstances surrounding it were too disturbing to be ignored.

Sa oras ko, 10:00 na--pero sa oras ng mga kasama ko, hindi pa pala. Dumating siya sa 10:00 ko, na mali pala; dumating siya sa 09:56, na tama pala.

Pakiramdam ko tuloy, pinaglalaruan ako ng Diyos. Pinagtitripan. Pinagtatawanan dahil masiyadong comedic ang sitwasyon ko. Kahit isang minuto lang 'yon na pag-aakala na tama ako, pakiramdam ko, natapos na ang buhay ko. I felt my heart drop lower than the ground. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Tapos biglang sasabihin Niya, trip lang?

Bakit naman gano'n?

Bakit gano'n?

"Matulog ka na," tinapik ni Cos ang balikat ko. "Itulog mo na lang."

Tumango ako do'n. Mabuti pa nga.

Nasa may pinto pa lang ako nang biglang magsalita ulit si Cos, "Pero seryoso, Aia?"

"Sorry?"

"If you want to move forward, you don't ask for signs," banayad niyang sinabi. "You just do it, there and then, without hesitations. Because the moment you ask for a sign, then it only means you're not yet brave enough to make a decision."

CrumbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon