Day Zero: Sign ni Lord (2)

80 9 36
                                    

SA DINAMI-RAMI ng notifications na nakuha ko mula sa iba't ibang tao, wala ni isa ro'n iyong talagang hinihintay ko.

Papait nang papait ang pakiramdam ko, the more minutes pass. Walang text message, walang Messenger message, walang pagpapapansin. Weird. Usually naman, kapag andito si Erik, mag-me-message agad 'yon ng Asan ka? Parang obligatory way niya of saying hello to me, or letting me know na nasa ILDS Center siya. 

Pero ngayon? Wala. 

Hinanap pa ako kunyare sa lobby, pero hindi naman pala ako hahanapin nang diretsahan. Kung hindi ko nga narinig boses niya kanina, hindi ko talaga iisipin na dumating siya.

Internal sapak ang inabot ko nang maramdaman ang pinapakapait na ipapait ng feelings ko. Hayop na 'yan. Bakit kasi ako nag-e-expect? Dahil ba iyon ang ginagawa niya for the past years, walang paltos? Dahil ba narinig ko boses niya na hinahanap ko? 

Ultimately, sino ba naman ako para hanapin niya? Hindi ba ako naman 'yong unang umisnab sa kaniya at ayaw naman siya makita?!?!

"Ba't ka nakasiksik diyan?"

Muntik nang lumipad ang kaluluwa ko pabalik ng Intramuros nang makita si Cos sa pintuan ng opisinang tinataguan ko. Agad akong tumayo't hinila siya papasok, sabay slide at lock ng pinto. Ibinaba ko rin nang maayos ang kurtina. Nandilim tuloy nang bahagya ang kwarto.  

Nangunot ang noo niya, "Hoy, nagtatago ka ba?"

"Hindi ba obvious?!" Bumalik ako sa pag-indian seat sa isang kanto. Ayokong umupo sa upuan ko mismo; na-pa-praning ako na baka may makakita sa 'kin. Hindi pa naman maibaba sa pinakababa iyong kurtina. Kailangan ko atang mag-request ng bago next time. 

"Bakit ka nagtatago?" naupo si Cos sa upuan ko. May dala pala siyang shake at inilagay niya iyon sa lamesa. "Ito, para sa 'yo. Hinahanap ka ni Benben kanina pa, ba't 'di ka bumababa? Mag-la-lunch na rin, o."

"Ayoko bumaba," seryoso kong sinabi. "Bahala na sila."

Sino bang gusto bumaba do'n? Pagkatapos kong makita ang messages ng lahat, parang mas gusto ko na lang maging uod sa ilalim ng lupa, never to be disturbed again. Ang pagpasok ro'n ay parang pagpresenta ng sarili ko sa sandamakmak na gutom na zombie. Siguradong-sigurado na papapakin ako ng lahat mercilessly. 

"Akala ko ba excited ka makita si Fat—"

"Hindi ako excited!"

"O, 'di pala? Eh 'di bumaba ka."

"Tapos aasarin n'yo ako endlessly? Ayoko nga!" 

Malalim ang buntong-hininga ni Quimbo. "Hindi ka naman namin aasarin," seryoso ang tono niya. "...sa harap ni Father. Sa likod niya lang."

"Hinayupak ka talaga." 

Ibinalik ko na lang ang atensiyon ko sa cellphone ko--sa Messenger thread namin ni Rocasolano na inaamag na for weeks. Online naman siya, pero bakit hindi talaga siya nagtatanong sa akin? Hinahanap niya ako kanina sa iba, pero bakit 'di niya ako tinatanong mismo?

"Hoy, Aia." Nagulat ako sa biglang tawag ni Cos.

Pero mas nagulat ako nang makita ang seryosong ekpresyon sa mukha niya.

Agad kong ibinalik ang mga mata sa cellphone, sabay dasal na sana, may dumating na text galing kahit kanino, dahil medyo asiwa ako kay Cos. Kahit 'di siya nakatingin sa akin ay alam kong nakatitig siya sa akin in an intense way, iyong tipo na parang may gusto siya sabihin na seryoso. I don't like Cos when he's annoying me, pero mas 'di ko siya bet kapag seryoso siya sa akin.

"May nangyari ba?"

"Ha?" 

"Bakit nagkakaganyan ka?" nagsalubong ang kilay niya. "May nangyari ba sa inyo nu'ng pari na 'yon?"

CrumbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon