Chapter 5

3 0 0
                                    

Chapter 5

---

"Ma'am bakit nyo po ako pinatawag?" i asked ng makarating ako sa office ni ma'am Wea.

"isa ka sa magiging representative ng STEM-A for the Science Quiz bee" She explained at tumango naman ako.

"Sure ma'm, kelan po ba yon?" kailangan kong malaman kung kelan para makapag handa na ako at saka sanay naman ako sa mga ganto, na pinipili tuwing may mga quiz bee.

"August 9."

Nanlaki yung mata ko. "August 9? Sa friday napo yun?" shocks, Martes na panaman ngayon.

Marahan syang tumango. "Yes, but this quiz bee considered two representative per section or Strand."

I nodded. "sino po yung isa?" just then, the door opened.

"Ma'am hindi pa naman ako late diba?" sabi ng hinihingal na Elijah, naka patong pa yung kamay nya sa tuhod. Halatang tumakbo to.

"Nope kakarating lang din ni Miss Diaz"

Umupo sya sa may harapan ko. Kulang nalang mag dugtong na yung kilay ko habang naka tingin sa kanya. Anong ginagawa nya dito?

"As i was saying. Both of you are the chosen representative of Grade 12 STEM-A for the science quiz bee this upcoming august 9 at 12 o'clock"

Nanlaki yung mata ko. "Ma'am bakit sya?" i asked

"Bakit hindi ako?" tanong nya pabalik. Pero feel ko hindi patanong yung sinabi nya. Inis akong humarap sa kanya, duh hindi ba obvious? Ayoko sa kanya.

"Ma'am kaka pasok palang po ni Elijah last last week, kaunti pa lang po yung napag aralan nya sa lesson natin" i explained na baka sakaling mag bago yung isip nya.

"Concern ka pala sakin" taas kilay naman akong humarap sa kanya, 'hindi ako concern' gusto ko sana sabihin sa kanya yan.

"Thank you for your concern miss Diaz, but Mr. Alverez is a fast learner, matataas yung score nya sa quizzes. Also bibigyan ko rin kayo ng reviewer" sabi nya saka inilapag yung mga papel sa table. "heto, e review nyo ito at bibigyan ko rin kayo ng plus points" dagdag nya.

"pag iisipan ko po-"

"pag iisipan? Akala koba kanina sure na? At saka naisulat na kita, hindi kana pwede mag back out... Unless gusto mo bumagsak sa subject ko?" tanong nya kaya agad ako umiling.

I cannot fail, i was aiming for valedictorian. Hindi pwedeng bumagsak ako, papangit yung records ko.

I sighed. Grades ko nakasalalay dito, itatatabi ko muna yung galit ko kay Elijah.

"Good"

Kinuha kona yung reviewer at saka nag pa alam na kay ma'am.

I was walking in the hallway when Elijah cornered me. "Saan tayo mag r-review?"

"Liblary" tipid kong sagot, aalis na sana ako pero humarang ulit sya. "Tabi"

"Tanong ko lang... Ano bang tipo mo sa lalake?" He asked.

Napa crossed arms ako. "Yung tipo ko?"
Ginawa ko pang mahinhin yung boses ko saka ngumiti ng matamis

He smirked. Naka taas pa yung dalawang kilay nya na para bang proud sya na akala nya sya yung tipo ko, tsk.

"Yung tipong..."

"tipong?"

"Tipong hindi katulad mo!"

Pasigaw na sagot ko saka umalis, sinagi kopa yung braso nya para mas feel. "che!"

Iniwan ko syang naka nga nga doon, pasukin sana ng langaw yung bibig nya!

Trapped in a Dilemma Where stories live. Discover now