Prologue

31 2 0
                                    

Prologue

———

"Any question? We still have ten minutes" tanong ni ma'am Judie matapos mag explain, umiling naman yung iba sa mga kaklase ko Madali lang naman yung lesson eh

"okay then before I'll leave i will anounce an important thing. So the result of the first quarter has now released" panimumla nya kaya nagsihiyawan na yung iba kong kaklase

"sana all bagsak!"

"bagsak ka talaga!"

Dahil don napuno ng tawanan ang buong klase kahit si maam Judie ay natawa at napailing narin "seriously class kung gusto nyo makita puntahan nyo nalang mamaya nakapaskil nayon malapit sa cafeteria, from highest to lowest. Good luck and no body's going outside wait for your next class" aniya saka tuluyan na syang lumabas ng classroom, inilagay ko sa magkabilang tenga ko yung headset ko dahil ang ingay na naman nila

Hindi ako lonely kung yan ang iniisip nyo may mga kaibigan din naman ako, sadyang hindi lang talaga ako sanay makipag halubilo at hindi rin ako maingay dahil good student ako.

Nakita ko namang papalapit saakin si Amie, see i told y'all may mga kaibigan ako

"Lory tara tignan natin yung result bilis"
Excited nyang sabi, napakunot naman yung noo ko at tinanggal yung isang headset na naka kabit sa kanang tenga ko dahil di ko sya masyadong marinig "Huh, ano?"

Tinaasan nya ako ng kilay "sabi ko tignan natin yung result" pag uulit nya na agad ko naman inilingan "hindi pwede mamaya dumating bigla si maam Ann" kinabit ko ulit yung headset ko pero tinanggal nya yon "ano ba?" hinarap nya sakin yung cellphone nya kaya napatingin ako sa doon, chat yun ni maam Ann sinasabing hindi sya makaka pasok dahil may sakit daw sya

"mag basa-basa rin kasi sa GC pag may time, tara na nga!" wala naman akong nagawa dahil hinila na nya ako palabas ng classroom na akalamo ay isa lang akong batang maliit tsk

Nakapulupot yung kamay nya sa braso ko tapos kwento sya ng kwento tungkol sa mga lalake nya. Wala rin naman akong naintindihan dahil i am not into boys, charot masyado lang talaga akong focused sa mga studies ko kaya wala na talaga akong time para sa love, kahit ako nga mas mahal kopa ata grades ko kesa sa sarili ko.

Sabihin na nilang GC ako wala naman akong pake.

Medyo Matagal din kami nag lakad dahil ang laki talaga ng Harmony of Teaching University or mas kilala bilang HTU  hindi kana lugi sa tuition fee hehe pero to be honest mahirap maka pasok sa HTU dahil kinukuha lang nila dito is yung 88+ ang grade tapos kailangan pa mag test ng 100 items! Ang passing score is 75 buti nalang 94 ako dun haha! Hindi naman sa pinagmamalaki ko pero parang ganon na nga

Pagkarating nga namin doon ay ang daming students na nag kukumpulan, simiksik si Aime doon— i mean kami dahil hila hila nya parin ako, pilit nyang hinahawi yung mga estodyante doon kaya ako na yung himihingi ng sorry sa kanila.

Nong nasa unahan na kaminay hinanap na namin yung list ng grade 12. they have top 100 students every grades, and there i saw my name

1. Mallory Vien Yves M. Diaz - 98.11

I cannot believe it! With highest ako tapos top 1? Di joke lang dati narin akong top 1.

Simula ng nag aral ako sa HTU. Im always at the top spot, hindi ko ngalam kung ano magiging reaction ko kung makita kona yung pangalan ko sa top two. Magiging masaya ako? Siguro...

kung sasabihin nga nila hindi ba ako nagsasawa? Wala namang bago pero ang saya ko? Like hello? Sino bang hindi magiging masaya? Kahit nga top 10 ka ay magiging masaya kana buong grade twelve na kaya yan

Trapped in a Dilemma Where stories live. Discover now