Chapter 6
———
Natameme ako sa sinabi nya. Hindi ko alam yung sasabihin ko. Tinamaan naba talaga sya saakin? O may tama lang sya sa utak?
"E-ewan ko sayo" ang tanging lumabas sa mga bibig ko.
Hindi dapat ako nag papadala sa mga words words nya na mga yan, mamaya trip mya lang pala ako, tapos pag nahulog na yung loob ko sa kanya ay iwan nyako bigla sa ere. Tama Mallory, wag kang mag papa loko.
Enenjoy ko nalang yung blueberry cheese cake ko at mango shake. Buti nalang wala kaming teacher ngyon—hindi, mali. Sana pala may teacher nalang kami ngayon para nandoon ako sa classroom nakikinig hindi yung kasama ko si Elijah ngayon, tsk.
Mukhang sarap na sarap sya ngayon sa kinakain nyang vegetable salad.
"Gusto mo?" Alok nya sakin ng kinakain nya. Umiling ako saka suminsim sa mango shake ko. Mamaya isipin nya pa, feeling close ako.
Teka, puro gulay yung mga kinain nya. That means...
"Vegetarian ka?"
Marahan syang tumango.
"kung vegetarian ka, bakit ka kumain ng adobo? yung pumunta ka sa bahay? Arte mo lang ba yon? Nag kunwari kang masarap pero deep inside gusto mo ng isuka?" sundo sunod kong tanong sa kanya.
"Kapag kasama kita, yung mga kinakain mo—nyo ay kakainin ko narin. Tska masarap kaya yung adobo"
Tumango nalang ako, akala ko ba naman ay hindi sya nasarapan sa luto ni manang Lith. Subukan nya lang talaga.
"Pero mas masarap kung ikaw kakainin ko"
Dahil don bigla akong na samid sa blueberry cheese cake na kinakain ko, meron pa nga atang napasok sa ilong ko. Yuck.
I glared at him, mukhang tuwang tuwa sya. I raised a brow and smirk.
"sige nga" panghahamon ko dito.
A smirk appeared in his stupid face. "sige ba, mamaya sa motel" tapos tumawa sya ng malakas.
Bigla tuloy nanlaki yung mga mata ko. "C-che!" sigaw ko sa kanya saka dali daling umalis doon.
Mali palang patulan ko yung mga trip nya! Nasayang tuloy ako sa pagkain, hindi ko pa nauubos.
"Hoy Vien bumalik ka dito!" sigaw nya pero hindi ko sya pinansin. Bahala sya dyan.
Padabog akong umupo sa upuan ko ng makarating ako sa loob ng classroom.
Just then, my phone vibrated.
Elijah
Mamaya ha? HAHAHA
Bigla tuloy kumunot yung noo ko. Na gets ko agad ibig nyang sabihin. Sige pupunta ako pero may kasama akong mga pulis para desetso kulong agad, tutal legal age naman sya.
Mallory
Mama mo.
Elijah
Bakit nadamay mama ko?
Mallory
Alam mo? Ako na hiya sa pangalan mo e.
Masyadong biblical, kabaliktaran naman ugali mo. Tsk.
Elijah
Hehe, don't feel embarrassed about my name.
YOU ARE READING
Trapped in a Dilemma
Teen FictionMallory Vien Yves Diaz. Dream of becoming a doctor one day just like his dad. Mallory Had been always at the top spot, she dominates every subject with her brilliance. That is why a lot of people admire her, not just because of her brilliance but wi...