panimula

66 6 0
                                    


"Go, Julio!" I shouted hysterically, raising the banner that said, "Go, my Alfonso," hoping he'd see it from afar.

Pero as usual, hindi na naman niya ako nilingon. Ang mga tao lang sa aking gilid at unahan ang pumapansin at nakatingin sa aking gawi, dahil siguro sa kanina ko pang malakas na pagsigaw mula sa aking upuan. Pero dedma lang sila at hindi ko na lang napansin. Ipagpatuloy ko lang ang pag-che-cheer kay Julio. I'm not here for them. I'm here for Julio.

We are at our school court to watch the basketball game between ABM 12 and STEM 12. Ngayon kasi ginaganap ang sports festival sa school namin and knowing me na hindi mahilig sa sports, I just decided to watch na lang dahil wala rin naman kaming ginagawa. Also, dagdag points na rin pag pumasok ka, so here I am. I'm wearing a green jersey and a white skirt that represent the color of julio's strand to support him, kahit ang color coding namin sa humss ay yellow. Green for ABM and blue for STEM.

"Ay, grabe naman talaga siya oh, kahit hindi pinapansin, todo effort pa rin. Sana ganyan din ako sa recitation," dinig kong sabi ni Caroline sa aking tabi.

Binalingan ko ito ng tingin, ibinaba ang banner, at umupo sa tabi niya. I'm already tired na nga sa pagpapapansin kay Julio, dadagdag pa tong si Caroline. What a cousin talaga.

"Ganun talaga, no! Tsaka Julio is paying attention to me kaya! " I said sassily, as if it were true.

Tumawa siya at umiling habang nginunguya ang popcorn niya. Panay na lang kain tong babaeng to, parang machine ang bunganga.

"Ni hindi nga na sulyap sa'yo e, you're being delusional again, Solana."

Delusional? No, I'm not. I was just simply stating the fact. Sumusulyap kaya siya sa akin ng ilang seconds.

Umasim ang timpla ng mukha ko sa sinabi niya. "You know what, Caroline? You're just jealous lang kasi nalalapitan ko yung crush ko, eh you?" mataray na saad ko rito.

Pagkasabi ko noon, nakita ko ang biglaang pagbabago ng timpla ng mukha niya. Tumaas ang kanyang makapal na kilay at tiningnan ako ng masama.

"Edi wow! At least ako, hina-heart niya yung My Day ko! Saka nire-replyan niya 'ko."

Napahinto naman ako sandali sa kanyang sinabi bago ko siya inirapan at hindi na sumagot. Masakit man sabihin, pero iyon talaga ang totoo. Kainis kasi si Julio, para siyang old grandpa. Ni hindi man lang siya nag-ha-heart ng My Day or posts ko. Hindi naman ako pangit; ang ganda-ganda ko kaya sa mga pino-post ko! Hindi pa niya ako nire-replyan sa mga message ko sa kanya. Kung mag-reply man siya, after a month na. Kainis. Ganun ba kahirap mag-type?

"Tamo 'to, ikaw na una, tapos ikaw pa pikon, my god ka solana," saad niya sabay tawa.

Hindi naman ako sumagot, binalingan ko siya ng masamang tingin at inirapan. Pinagdikit ko ang aking dalawang braso at ibinalik ang tingin kay Julio na ngayon ay naglalaro.

He's really handsome. Kainis! Hindi ko tuloy magawang magalit sa kanya dahil lalo lang akong nahuhulog. Pero hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit nagkagusto ako sa kanya. When I first met him, he was really kind and funny. He was always there to protect me from everything that could harm me. That's what I liked about him. Pero he changed. He changed when he knew that I liked him. He rejected me. Sabi niya ay para niya na raw akong little sister sa kanya. Mukha ba akong bata para maging little sister niya!?

One year lang naman ang age gap namin!

"You know what, Solana? Hindi mo lang napapansin, pero meron rin naghahanap ng atensyon mo," Caroline broke the silence between us.

Nilingon ko siya, my forehead frowning in confusion habang tinitingnan siya. Ano na naman kaya ang sinasabi nito.

" There oh," saad naman niya sabay turo sa gawi ng mga nakaupo sa bench ng basketball athletes ng STEM.

Affectionate Aversion |Where stories live. Discover now