Chapter 11:

26 5 0
                                    

-Mikaila-

Patakbo ko na namang tinatahak ang daanan papunta sa first sub ko. Hindi naman sa late na ako gusto ko kasi na maagang pumasok dahil meron kaming quiz kay Ms.Anderson.

Papaliko na ako ng may mabangga ako, napaatras tuloy ako dahil sa impact, handa na sana akong mabulyawan ng tiningnan ko ang taong nabangga ko.

"Kaila kanina kapa namin hinahanap tara sama ka samin" Saad ni Michelle at hinila ang kamay ko.

"Hoy anong sumama sa inyo may klase pa ako" Nahihibang naba ang babaeng ito alam naman nilang napaka teror ng first sub ko isasama pa talaga nila ako.

"Meron din naman kaming klase ng ganitong oras kaya wag ka ng maingay diyan at sumama kana saamin" Napatingin naman ako sa likuran ni Michelle ng marinig ko ang boses ni Janna. Nasa tabi niya ngayon ni Elisia and Xander.

"Saan ba talaga tayo pupunta? May quiz pa kami sa sub ni Ms.Anderson hindi namin pwedeng ma missed ni Elisia yun" Tiningnan ko si Elisia na nagkibit balikat lang. Bruhang ito pag ako talaga ang nalate sa sub ni Miss sila sisisihin ko.

"Sandali lang naman tayo doon. Meron lang tayong ililibing ng buhay" Nabaling kay Janna ang tingin ko ng sabihin niya iyon. Ayos lang ba itong mga ito?

"Teka nga anong ililibin ng buhay pinagsasabi mong babaita ka? At isa pa nasaan yung iba bakit kayo lang ano ba talagang meron?" Takang tanong ko kay Michelle na binitawan na ang braso ko.

"Kasama ni Natalie si Anisha pati si Zedrick while Adrian papunta pa lang daw siya rito sa campus" Sagot ni Michelle sa tanong ko.

"Nasan naman sila?" Takang tanong ko rito. Ano ba naman kasi itong babae na ito bakit hindi na lang sabihin saakin.

"Susugurin natin yung kabit ng boyfriend ni Natalie. And to answer your question bakit hindi natin sila kasama is because binubugbog ni Natalie yung Boyfriend niya ngayon" Napanganga na lang ako sa sinabi ni Xander. Aware naman ako sa mga buhay nila, nasabi narin ni Natalie saamin nung mga nakaraang araw na parang may iba na raw ang panget niyang Boyfriend.

"There's the bitch" Napatingin ako kay Michelle ng magsalita ito at naunang mag lakad saamin na agad naman naming sinundan.

"Let the show begin" Nakangiting bulong ni Xander sa tabi ko nasinabayan pa ng palakpak ni Elisia. Ano ba naman itong mga ito parang wala sa campus.

"Hey there bitch" Napalingon ang babaeng nakatayo ngayon sa harapan ng isang classroom ng tawagin siya ni Michelle na bitch. Mukhang hindi naman iyon nagustuhan ni ateng mukhang espasol dahil ang sama ng tingin niya ngayon kay Michelle.

"Who do you think you are calling bitvh?" Inis na sabi nito at hinarap kami. Umagang umaga lord sinasalang mo agad ako sa isang mainit na gulo.

"I'm Michelle Harris" Nakangising pagpapakilala ni Michelle sa babaeng espasol na ikinainis lalo nito.

"What do you want from me?" Halata mo na talaga ang inis sa mukha ni ateng espasol. Mukhang umiinit na ang kaninag titigan kaya naman ay napalingon ako kay Elisia at Xander na mukhang tuwang tuwa sa nangyayari.

"I just want to ask kung masarap ba ang maging kabit" Shet ayan na nga at nagumpisa na ang isang Michelle Harris.

"What are you talking about bitvh?!!"  Pasigaw na saad nito at sasampalin na sana si Michelle ng maunahan siya nito.

Napasinghap ang lahat ng mga studyanteng nasa malapit lang. Lahat sila ay saamin na ngayon nakatingin.

"Ang lutong" Bulong ni Elisia na tatawa tawa pa.

"Damn it's so loud" Xander

"Don't. You. Dare. Calling me bitch cause it suits you better" Mataray na saad ni Michelle doon sa babae. Linapitan naman ng dalawang babae si Ms.Espasol.

NDC1: The Cold-Blooded Professor (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon