PWTC - EP 2

753 10 0
                                    


Warning: READ AT YOUR OWN RISK.

                             SHANE's POV

"Did you get the money?" Tanong ni Dos mula sa cellphone ko dahil sa tinawagan niya ako. Ibinigay ata ni Uno sa kaniya yung phone number ko. Tumingin naman ako sa gcash ko at nakita yung 500 thousands doon bago tumango kahit di niya naman ako makikita.

"Yeah, nakuha ko na. Thank you."

"Thank you?" He asked. "Bakit ka nagpapasalamat sa akin?"

"Nothing. Thank you for the money lang." Saad ko at ibinaba yung tawag dahil nakita kong naglalakad patungo sa akin si Uno. Nang makalapit ito sa akin ay agad siyang nagsalita.

"Are you hungry?" Tanong niya. Nangunot ang noo ko nang tanungin niya iyon. Anong nakain niya? May nainom ba siya or what at bigla siyang nagtanong nang ganiyan? Gosh. For the first time. I cleared my throat then, shakes my head.

"Hindi, mamaya pa ako magla-lunch," Sagot ko. Nabigla naman ako nang hawakan niya ang kamay kong nakahawak sa mouse bago ginabayan iyon na bitawan. "What are you doing? May kailangan ka na naman ba?"

"Let's just eat, okay? Hindi ka pwede magpagutom. Maga-ala una na." Agad ko namang hinawakan ang noo niya using my palm na ikinagulat nito. "What are you doing?"

"I'm just checking kung may lagnat ka ba or what. You are acting weird right now—"

"Let's go," Saad niya matapos alisin ang palad kong nasa noo niya at hinila ako patayo at nagsimula kaming maglakad patungo sa elevator. Halata talagang may nakain 'to pero, gutom na ata siya kaya nag-aaya maglunch. Parang noon lang ay wala siyang pakialam kung magutom man ako o ano.

Agad naman kaming pumasok sa elevator at pinindot niya yung floor kung saan andoon ang cafeteria sa building bago hinayaang umandar ang elevator. I looked at him bago napatingin sa kamay naming magkahawak pa rin.

"Do you mind?" Tanong ko at napatingin naman siya sa kamay naming magkahawak bago binitawan ito. "Ganito ka ba talaga kapag gutom? Bigla-bigla nalang nagiging mabait?"

"What?" Nakakunot ang noong tanong niya habang nakatingin sa akin, naka-krus ang mga braso. Sobrang sungit talaga ng lalaking 'to. No wonder why he still don't have a girlfriend.

"Ah, alam ko na. You want to make out ba rito?" Tanong ko at mas lalong nagsalubong ang kilay niya. "Pwede mo naman sabihin sa akin—"

"Stop." Madiing usal niya na pinigilan pa ang kamay ko sa balak kong paghubad sa suot kong shirt na may butones. "I just wanna have lunch with you, masama ba iyon?"

"But you never asked me like this before. I find it weird—"

"Shane, I'm inviting you to have a lunch with me. Is it okay for you? Yes or yes?" Seryosong saad niya habang nakatingin sa akin. I looked at him, straight into his eyes bago napakagat sa ibabang labi. Do I have a choice? Tss.

"Fine." Saktong pakasagot ko sa tanong niya ay agad namang bumukas yung elevator senyales na nakarating na kami sa floor na pupuntahan namin. Sabay kaming lumabas bago tumungo sa cafeteria, may mga nakakasalubong kami na binabati si Uno dahil siya ang C.E.O ng company na 'to.

"Sa tingin mo may relasyon silang dalawa?"

"Napapansin ko palagi silang magkasama saka bakit ba natanggap 'yang babaeng 'yan bilang secretary niya? E, wala naman siyang tamang ginawa."

"Ano ba kayo, magsitahimik nga kayo. Mamaya niyan ay marinig pa kayo ni Sir Uno."

"Bakit? Tama naman, e. Sa tingin ko inakit niya lang si Sir Uno para magkaroon ng trabaho bilang secretary niya. Napansin niyo rin ba 'yun?"

Playing with the Cards (Mini Smut Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon