PWTC - EP 6

427 6 0
                                    


SHANE'S POV

"Are you ready to be my date again?" Dos smiled at me nang makarating siya sa condo ko bago ipinakita sa akin ang dala niyang pagkain na fries, pizza, burgers and other foods na pwede naming kainin. "Let's do home date. Can I come in?" Tanong niya at tumango ako bago sinarado yung pinto.

"Himala. Hindi mo naisipang magdate tayo sa kung saan?" Tiningnan niya naman ako habang busy siya sa paghahanda roon sa mga pinamili niya bago siya ngumiti ulit sa akin. Seriously? Hindi ba siya napapagod sa pagngiti?

"Naisipan ko lang na if we are going to date then, I'm fine with just you and me." Sagot niya bago tumayo nang maayos at tumayo sa harapan ko. I looked up to him dahil masyado siyang matangkad for me, hanggang taas lang ako ng balikat niya. "So, let's just enjoy our time together, Okay?"

Huminga ako nang malalim bago tumango sa kaniya. "Ano bang gusto mong panoorin na movie?" Tanong ko at naupo naman siya sa sofa habang ako ay naghahanap nang panonoorin namin.

"Saan ka ba mahilig?" Tanong niya. Nilingon ko naman siya bago ako ngumiti.

"Horror," Sagot ko. Umiwas naman siya nang tingin bago kumuha ng beer at binuksan iyon.

"Go on. Let's watch a horror movie then."

"Are you sure?" Nakangising tanong ko. Lumunok naman siya bago nagsalita.

"Of course. It's just a horror movie, it's not a big deal." Saad niya bago inilapag yung beer can sa lamesa at naupo siya nang maayos. I just shrugged my shoulder bago pumili nang panonoorin namin bago ko pinili yung Winnie the Pooh: Blood and Honey. Agad akong naupo sa tabi niya habang kumuha ng fries at nanood doon.

"This is why sometimes I hate watching horror movies. The characters are so dumb, gosh." Natatawang saad ni Dos at natawa rin ako. He has a point. Minsan talaga sa mga horror movies ay mga tanga yung characters kasi nakita na yung killer pero hindi pa rin tumatakbo. Jusko.

Nakalipas ang ilang minuto ay nagiging intense na yung nangyayari kaya pareho kaming focus na focus sa panonood. This movie is kinda gross dahil sa mga g/res na eksena, but I still like it. In other hand, napansin kong napapapikit si Dos sa tuwing may pap/tayin si Pooh. Can't blame him, it's too brutal. Lalo na kung paano nila sagasaan yung babae habang nakagapus na nakahiga sa daan.

"Ahhh!" Tili ni Dos na parang babae na agad na umusog palapit sa akin at niyakap ako. Gulat akong napatingin dahil sa kaniya. Nagulat ako sa kaniya, hindi sa jumpscare.

"Are you scared?" Natatawang tanong ko. Hindi siya sumagot, nanatiling nakatago ang mukha niya sa likuran ko at pilit hindi tumitingin sa tv. "Dos. Uy hahaha. You look like a gay right now."

After he heard what I said ay agad siyang naupo nang maayos as he cough to cleared his throat. Hindi ko maiwasang matawa sa pamumula ng mukha niya. Gosh. He is scared when it comes to horror movies pero pumayag pa rin siya na manood kami because I said na mahilig ako roon.

Natigilan ako sa sumagi sa isip ko at napatitig sa kaniya. Nanatili itong nakaupo sa tabi ko habang busy sa pag-inom ng beer niya habang nilalabanan ang takot na manood. Pinagmasdan ko kung paano gumalaw ang adams apple niya sa tuwing lulunok siya.

He wasn't really that bad. Dos is really a good guy and I can't see anything else than him, being a green flag. While Uno, hays. He is trying to change himself, but still has the red flag waving at me. I need to make up my mind or else I will hurt both of them.

Hindi ko pwedeng paasahin sila. Hindi ko pwedeng pagsabayin sila. Yes, I am just a s-x doll for them, but they admitted that they both like me— and I need to choose between them. Uno can make me happy, but Dos can make my day ten times better. I don't know what to do.

Playing with the Cards (Mini Smut Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon