CHAPTER 8

41 9 0
                                    

Ng matapos na ang practice agad ng umuwi ang mag kapatid na Suzuki kasama si Sakuragi dahil may pupuntahan pa sila ni Izumi

Pagtapos nilang maihatid si Sota agad ng tumungo ang dalawa sa malapit na mall

At namili na doon ng gustong bilhin ni Izumi at para mabilhan na rin ni Izumi si Sakuragi ng cellphone

"Dalian mo mamimili pa tayo" utos ni Izumi sa hirap na hirap na si Sakuragi dahil sa sobrang daming kung ano ano ang pinagbibili nito

"Wag mo nga akong aporahin di mo ba nakikita na halos kumalas na itong kamay ko sa sobrang pangangalay" inis na sabi ni Sakuragi

"Kumain muna tayo, naaawa na kasi ako sayo eh" sabi ni Izumi

"Pasalamat ka babae ka, dahil kung hindi baka nilibing na kita ngayong bwisit ka" inis na bulong ni Sakuragi

"San naman tayo kakain?" tanong ni Sakuragi tinuro naman ni Izumi ang kakainan nila

"Nag bibiro kaba ang mahal ng pagkain dyan tsaka ayaw kung kumain sa mga mamahaling restaurant" inis na sabi ni Sakuragi

"OA naman nito dali na" aya ni Izumi

"Ikaw nalang kung gusto mo talaga dyan pero ako ayaw ko dyan, bigyan mo nalang ako ng pera don nalang ako sa iba kakain" sabi ni Sakuragi kumunot naman ang noo ni Izumi pero binigyan nalang niya ng pera si Sakuragi dahil desidido talaga itong wag kumain kasama niya sa mamahaling restaurant

Matapos niyang maibigay kay Sakuragi ang pera agad ng nag lakad si Sakuragi patungo don sa may maliit na takoyaki resto at naupo sa may bakanting table

"Ano pong order nyo sir?" tanong ng isang ginang kay Sakuragi

"Tag iisang order po ng lahat ng flavor" ngiting sagot ni Sakuragi dito agad naman itong nag tungo sa nag luluto ng takoyaki

Habang nahimik na nag hihintay si Sakuragi sa takoyaki na order niya bigla nalang sumulpot si Izumi sa harapan niya na kinabigla naman niya

"Bat nandito ka? akala ko ba don ka kakain sa mga mayayamang kainan?" tanong ni Sakuragi

"Hindi ako sanay kumain ng mag isa, kaya naman kahit na hindi ako kumakain ng takoyaki sasamahan nalang kita" mataray na sagot nito at inirapan pa si Sakuragi nakinainis naman ni Sakuragi

"Wag kang mag alala palagay ko masarap naman itong takoyaki sa resto na ito kahit maliit lang" sabi ni Sakuragi hindi siya pinansin ni Izumi at inirapan lang siya

"Lintik tong babaeng to ha, kakakilala palang namin tinarayan na agad ako" inis na sabi ni Sakuragi sa isipan

Ng dumating na ang order ni Sakuragi agad na itong kumain nag dadalawang isip namang kumain si Izumi dahil ni minsan hindi pa talaga ito nakakakain ng takoyaki

"Nag aalinlangan kaba na baka hindi masarap?" tanong ni Sakuragi

"Oo" sagot nito

"Tikman mo para malaman mo kung masarap ba o hindi, dahil kung titignan mo lang yan walang mangyayari, dahil hindi mo naman malalasahan yan gamit lang ang mga mata" sabi ni Sakuragi

"Sige susubukan ko" tugon nito at dahan dahang sumubo ng isang takoyaki ng makain na niya ito agad niya itong nagustuhan kaya naman kumuha pa siya ng isa hanggang sa maubos niya ang lahat pati pagkain ni Sakuragi inagaw din niya at inubos

"Sira ulo ka bat mo inagaw ang pagkain ko?" inis na tanong ni Sakuragi dahil limang pirasong takoyaki palang ang nakakain niya

"Ang sarap pala nito, umorder ka pa nga" utos ni Izumi kay Sakuragi kaya naman inis itong tumayo at nag lakad tungo sa waiter at nag order uli pagkatapos nito agad na itong bumalik sa pwesto niya

Playing the PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon