CHAPTER 1

127 9 1
                                    

Paalala lang po ang kwentong ito ay katang isip lang at walang kinalaman sa totoong kwento ng Slam dunk



CHAPTER 1

"Hayst Basted Again" Bulong ni Sakuragi habang tahimik na nakaupo sa isang table sa isang bar sa kanagawa

"Hayst nong nakaraang taon Binastid ako ni Haruko at umamin siya kay Rukawa pero binastid naman siya ni Rukawa tapos nong panahong malungkot siya ako palagi ang sinasandalan niya tapos nong umamin uli ako sa kanya na hindi pa ako nakamove on sa kanya at gusto ko parin siya binastid uli niya ako pero paglipas ng isang buwan sila na ni Bungal ang lala pero kahit ganon masaya na rin ako dahil nakakangiti na siya uli di tulad dati nong binastid siya ni Rukawa" sabi ni Sakuragi sa isipan habang inaalala ang masakit na pagkabastid sa kanya ni Haruko

"Hayst Ang Hirap mag mahal ng one sided lang Bukod sa mag mumukha kanang tanga magiging stable zone kapa sa damdamin nila pag may problema sila, lintik talaga" sabi uli nito sa isipan habang iniinom ang pangapat na bote ng Alak

"Waiter" tawag ni Sakuragi sa isang waiter na malapit sa kanya kaagad naman itong lumapit

"Ano pong sa inyo sir?" magalang na tanong nito

"Mag babayad na gusto ko ng umuwi eh" lasing na sagot ni Sakuragi

"Bali mag kano ba lahat?" tanong ni Sakuragi

"Apat na bote ng alak tsaka limang pried chicken wings, bali 4850¥ po lahat" sagot nito agad namang nag bayad si Sakuragi at nag lakad na palabas

"Magandang gabi sir, sana po bumalik kayo" sabi nito

"Walang maganda sa gabi lalo na kung kakabastid lang ng tao" inis na sabi ni Sakuragi sa isipan at tuluyan ng nakalabas ng bar

Pumara na si Sakuragi ng taxi at sumakay na pauwi ng nasa harapan na siya ng bahay niya agad na itong nag bayad sa taxi driver at pumasok na ng bahay

Pagpasok ni Sakuragi bumungad sa kanya ang madilim na kapaligiran ng bahay kaya naman mas lalo lang itong nalungkot

Binuksan ni Sakuragi ang ilaw ng sala ng maging maliwanag na naupo ito sa sofa

"Hayst Mas lalo lang atang bumigat ang pakiramdaman ko ng pumasok ako sa bahay nato" bulong ni Sakuragi at tumayo na at umakyat na papuntang kwarto niya

Nangmakapasok na si Sakuragi sa kwarto niya agad na itong humiga

"Hayst tatanda nalang siguro akong hindi mag kakapag-asawa ah" sabi ni Sakuragi at nakatulog na sa sobrang kalasingan

May Kalakihan ang bahay ni Sakuragi may apat itong mamalaking kwarto, ng mamatay kasi ang papa ni Sakuragi sinangla ni Sakuragi ang bahay para may panggastos siya sa pagpapalibing sa kanya ama dahil hindi manlang siya tinulungan ng kanya mga kamag anak at sinisi pa siya sa pagkamatay nito

Pero sa kabutihang palad dahil sa hindi naman kamahalan ang pagsanla ni Sakuragi sa bahay at manor din siya ng mga araw na iyon, nabawi niya ang titolo ng bahay at binayaran ang lahat lahat at dahil na pa sa kanya na ang titolo na bawi na din niya ang bahay at tuluyan ng naging sa kanya ang bahay

Kinabukasan

"Aray sakit ng ulo ko" sabi ni Sakuragi at dahan dahang tumayo at naupo sa kama

"Hayst sana pala hindi ko dinamihan ang paginom ko kagabi" sabi ni Sakuragi habang hawak hawak parin nito ang ulo niya

Tuluyan ng tumayo si Sakuragi at bumaba na at nag hanap ng gamot sa sakit ng ulo nakahanap naman ito kaya naman agaran na niyang ininom ito

Playing the PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon