CHAPTER 11

51 8 2
                                    

Habang mahimbing na natutulog si Sakuragi sa kama niya dahil sabado ngayon at walang pasok bigla nalang nag ring ang cellphone nito

Kaya naman inis itong nagising at kinuha ang nag riring na cellphone at sinagot

"Hello sino ito" - naiinis na tanong ni Sakuragi

"Bumangon kana diyan batugan, kanina pa ako nag hihintay sayo sa tapat ng bahay mo" - inis na sagot naman ni Izumi

"Ang aga pa ah, akala ko ba mamayang tanghali pa ang lakad natin?" - tanong ni Sakuragi

"Nag bago na ang isip ko" - sagot naman ni Izumi

"Sige wait lang" - sabi ni Sakuragi at pinatay na ang call at bumangon na at bumaba na para buksan ang pinto

"Pumasok ka muna dito, wag ka diyan mag hintay baka pag chismisan tayo ng kapitbahay ko" sabi ni Sakuragi at pumasok na uli at iniwang bukas ang pinto

Sumunod naman si Izumi sa kanya at pumasok na din sa bahay

"Manood ka muna ng TV diyan, maliligo lang muna ako sandali pagkatapos aalis na tayo" sabi ni Sakuragi tumango lang si Izumi

Samantalang si Sakuragi naman nag tungo na sa banyo para maligo

Habang naliligo naman si Sakuragi tahimik lang na nanonood ng movies si Izumi

Nang matapos na si Sakuragi maligo agad na ito nag tapis at lumabas na ng banyo

Nakita naman ni Izumi ang basang katawan ni Sakuragi at ang abs nitong may patak pa ng tubig

"Anong tinitingin tingin mo diyan?" inis na tanong ni Sakuragi namumula naman ang mukha ni Izumi at umiwas ng tingin sa katawan ni Sakuragi

"Wala" sagot nito habang namumula

Dali-dali ng umakyat si Sakuragi para mag bihis habang si Izumi naman namumula parin ang mukha

"Ngayon ko lang napansin mas maganda pa pala ang hubog ng katawan niya kisa kay Miyata" namumulang sabi nito sa isipan habang nakahawak sa mukha niya

Matapos mag bihis ni Sakuragi agad na itong bumaba

"Tara na umalis na tayo" aya ni Sakuragi

"Hindi mo man lang ba ako ipagluluto?" tanong ni Izumi

"Sabi na eh, Hindi lang ang pagsundo mo sakin ang ipinunta mo dito" inis na sagot ni Sakuragi

"May problema ba don? tsaka kasalanan mo yon pinagluto mo ako nong miyerkules eh, kung hindi mo lang sana ako pinatikim ng luto mo edi sana hindi ako pupunta dito" ngiting tugon nito sa kanya

"Parang kasalanan ko pang nag magandang loob ako ha" inis na sabi ni Sakuragi at pumunta nalang ng kusina dahil alam niyang hindi aalis si Izumi paghindi niya ito pinagluto

Habang nag luluto naman si Sakuragi nanonood si Izumi sa kanya at nangungulit dahil gusto nitong mag paturo mag luto

"Turuan mo naman ako pano mag luto" sabi nito

"Tumahimik ka nga, kita mo namang nag luluto ako dito eh" inis na sagot ni Sakuragi sa kanya

Ngumuso naman si Izumi dahil sa sagot ni Sakuragi

"Damot mo naman" inis nitong sabi at inirapan si Sakuragi

"Hindi ko sinabing hindi kita tuturuan" inis namang sabi ni Sakuragi masaya namang napatingin si Izumi sa kanya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Playing the PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon